Kabanata 100 NAKAUWE NA SI UNO SA BAHAY MATAPOS ang dalawang araw sa hospital. Pwede na siya umuwe dahil 'di na siya nilalagnat at maayus na ang lagay niya. Kailangan lang na tuloy tuloy ang gamutan para gumaling pa siya lalo. Si Kawhi naman ang lahat na nagbayad ng mga bill namin sa hospital. Subra na akong nahihiya sa kanya pero ayus lang daw iyon dahil boyfriend ko naman siya. Tuwang tuwa naman ang mga magulang ko ng makita ang anak ko. Kaagad na niyakap nila ng mahigpit habang si Kawhi naman ay umakyat sa taas para dalhin ang mga bagahe namin sa kwarto. " Kumusta na ang apo ko? Magaling kana ba?" Tanong ni mamang sa apo niya habang nakayakap dito. " Opo, lola. Kaya lang lola masakit po 'yung tusok." Sumbong naman ng anak ko sa lola niya. " Ganyan talaga apo. Kaya wag kana kakain n

