Kabanata 111 PAGDATING SA LABAS AY NAKITA kung nakayupyop na ang ulo ni ate sa mesa kaya naman inutusan ko si Kawhi na dalhin na ang ate sa taas. Nakasunod kasi siya agad sakin kaya naman inutusan kona siya. " Ikaw?" Tanong pa niya sakin. " Matutulog na syempre." Mataray kung sagot sa binata pero magliligpit muna ako bago umakyat sa taas. Hindi naman umimik si Kawhi at binuhat na si ate para dalhin sa taas. Wag na sana siya bumaba para hindi ako kabahan kapag dalawa lang kami. Anytime kasi ay pwede kaming mahuli. Ayaw ko kasi ng gulo kung pwede naman daanin sa magandang usapan. Nagligpit na ako ng mga pinag-inuman namin para walang kalat kinabukasan. Patungo ako sa kusina habang dala ang mga pinaggamitan naming mga pinggan. At nagulat ako ng may yumapos sa beywang ko dahilan para mab

