Kabanata 77 PAGDATING SA BAHAY AY NAGLUTO agad ako dahil anong oras na habang nasa sala's ang mga magulang ko. Tinulungan na ako ni Kawhi at ni Rica para mapadali. Nag-uusap pa sila ni Kawhi habang naggagayat ng mga sahog sa nilaga. " Kuya may kapatid kaba?" " Wala, nag-iisa lang akong anak nila mommy at daddy." Nakangiting sagot ng binata. " Hmmm.. unico iho ka pala. Diba sabi mo daddy mo American at mommy mo naman ay pinay. Tumira kana ba sa pilipinas?" " Hindi eh, sa america ako sa pinanganak at lumaki. Ayaw na ni Mommy tumira sa pilipinas kasi busy siya sa kumpanya namin." " Hmm.." Napatango tango naman si Rica. " Kaya nga hindi ko alam kung saan nakatira ang mga kamag anak namin dito sa pilipinas." Sabi pa ng binata. " Subrang yama niyo siguro no?" Anang pa ng kapatid ko. Hin

