Kabanata 91 NANDITO KAMI SA ILOG AT naglalaba ni Mona dahil nagyaya ang bruha kung kaibigan. Gusto daw niya maligo after maglaba. Pumayag naman ako dahil marami na akong labahan. Kasama namin si Kawhi habang naliligo siya sa ilog. Iniwan ko naman sa bahay si Uno habang naglalaro ng mga bago niyang toys. " Alam mo, bes may napapansin akong sainyong dalawa ni Kawhi. Parang subra niyong close na dalawa. Palagi kasi siyang nakadikit at kasama kung saan ka pupunta." Maya-maya'y tanong sakin ni Mona habang nakatingin sa binata. Natigilan naman ako habang kinakabahan dahil may napapansin na pala siya samin ni Kawhi. Totoo naman kasi ang sinasabi niya, masyado na kaming close ng binata. Hindi lang basta close dahil may relasyon na kaming dalawa. " Ano namang masama? Gusto niyang sumama samin

