Vian Flora Ignacio's P.O.V. Busy ako ngayon dito sa kusina. Gumagawa ng mga cupcakes. Nalaman ko kasi mula kay Viernuen na paborito raw iyon ng kanyang grandpa. Naikwento niya pa na noong buhay pa ang kanyang grandma at ito ang gumagawa ng cupcakes para sa asawa niya. Kaya naisipan ko na imbis na bumili ng gawa na agad na cupcake ay ako nalang ang gagawa. Marunong naman ako at confident ako sa pagawa nito. Mas maganda na rin ang ganito para mas feel ang ibibigay kasi ikaw mismo ang gumawa. Wala akong kasama ngayon. Nagpaalam kaninang maaga si Viernuen. May aasikasuhin tungkol sa trabaho at baka dumaan saglit sa bahay ng kanyang pinsan dahil nandoon na ang kanyang grandpa. Nilagay ko na sa loob ng oven ang nagawa ko. Hihintayin ko nalang iyon tapos ay maluluto na. Saka ko na idedesign

