Vian Flora Ignacio's P.O.V. Binigyan na kami ng key card ng babae. Todo ngiti pa ang kasama ko habang naglalakad kami papasok sa elevator. "Bakit ba ngiting ngiti ka riyan?" naiirita ko ng tanong. He let out a chuckled and just shrugged his shoulder at me. Pinagmasdan ko ang reflection namin sa elevator doors. Mas matangkad siya kumapara sa akin. Hanggang balikat niya lang yata ako. Kung itatapat din ang katawan ko sa kanya ay mas manipis ako. "Bakit ba kasi isa nalang ang natirang room," reklamo ko pa. Humarap siya sa akin kaya naman napatingin din ako sa kanya. Nagtaas siya ng isang kilay. "Don't you want us to be in the same room?" nanliliit na matang tanong niya. Nakagat ko ang labi ko sa loob ng aking bibig at nag isip pa ng isasagot. "Hindi naman sa ganoon," gusto ko nga eh

