Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay hinila na naman niya ako.
Isinandal niya ako muli sa pader. Kinulong sa kanyang mga bisig.
"Ano bang ginagawa mo?" nagkunwari akong naiirita pero sa totoo ay kinakabahan ako.
Dumukwang siya sa akin. Nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. "You left your underwear at my penthouse, Baby," he said. Humarap siya sa akin at ngumisi.
Naramdaman ko ang pag init ng aking nga pisngi dahil sa kanyang sinabi. Siguradong mukha ng kamatis iyon dahil sa pula.
"Ano banh pinagsasabi mo?" mabuti nalang at hindi ako nautal.
He let out a sexy chuckled. "Just keep on pretending," he give me a chase kiss.
"Lumayo ka nga sa akin," tinulak ko siya at nagpatinag naman. Naglakad na ako paalis.
"You can't escape from me again, Baby," mariin niyang sambit. Narinig ko pa iyon bago ako makasakay ng sasakyan.
Napabuga ako ng malakas na hangin habang nakasakay sa jeep. Wala naman kasing taxi rito.
Nang makarating na ako ay agad akong pumasok sa aking sasakyan. I need someone to listen to my rants.
I parked my car in front of Xena's restaurant.
"Oh my gosh, Xena," salubong ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok ko palang.
"Why? What happened?" hinila na niya ako paupo.
"Si Viernuen ang ka-meeting ko," tila naiiyak kong sambit.
Napa 'o' shape ang kanyang bibig. "For real?" shock niya pa ring tanong.
"Yeah," nanghihina kong sambit.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. "Oh my! What if tinadhana pala kayo sa isa't isa. Ang destiny na ang gumagawa ng paraan para magkita kayo," kinikilig niya pang sambit.
Lumapaypay ang balikat ko. "Nagdedelirio ka na yata Xe! Ni isa nga walang pumapatol sa akin. Kahit pangit man lang sana. Tapos sasabihin mo tinadhana ako sa ganoong klase ng lalaki? Sa kanya na kulang nalang ay perpekto na?" talak ko.
Napanguso siya. "Exactly, girl. What if 'diba kaya walang pumapatol sa'yo kasi it's not the right time. Tapos ngayon ito na ang time mo to shine. Sa tagal mong naghintay magiging super worth it. Lalo na kung sa kanya ka babagsak," pagtatanggol niya pa rin sa naisip niya kanina.
Napatigil ako ng kaunti. She has some points. Siguro naman deserve ko na magkaroon ng lalaking magmahal sa akin dahil sa sobrang tagal kong paghihintay.
On the second though, ayaw kong umasa. A man like him will never settle for less like me.
Isa pa ay pursigido na ako sa plano kong magka anak lang. Walang asawa o kahit biyfriend pa man 'yan.
Sawang sawa na akong maghintay! Tama na!
"So ano hindi mo tatanggapin 'yung project?" tanong ulit ng aking kaibigan.
"No. Ayoko magkaroon ng ugnayan sa kanya," pinal kong saad.
"Sayang naman," she said and give me a sad face.
"Whatever, Xe. Alam kong masamang tumanggi sa grasya. Pero ayoko talaga no'n."
Tumango na lamang siya.
Another day came. Nagising ako ng maaga at nag ready na for work.
Busy akong nagsusuot ng heels ng may mag doorbell. Pa ulit ulit pa iyon na tila ba nagmamadali. Akala mo naman ay first time kung makapindot no'n.
Dahil sa irita sa tunog ay hindi ko na sinilip kung sino iyon. Binuksan ko nalang bigla ang pinto.
Handa na akong magtatalak ng matigil ako sa kinatatayuan ko.
Nanung gagawan na keni nini?
"Good morning, Baby," he flashed a smile at me and kissed me on my lips.
Hindi ako ka-agad naka react. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon at pumasok na sa loob.
"Bakit ka nandito?" tanong ko ng makabawi na.
Prente siyang umupo sa sofa at tumitig sa akin. Nasa harapan niya lamang ako habang naka-cross ang kamay sa harapan ng aking dibdib.
"For this," he said. Tinaas niya ang dalang envelop.
"Ah?"
Tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa akin. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang aking mukha. Pinadaan pa noya ang kanyang daliri sa aking labi. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente roon kaya napapiksi ako ng kaunti. Tumawa siya ng mahina dahil doon.
"I need you to sign this contract," sagot niya.
Tinutukoy niya malamang ang tungkol sa trabaho.
"No way. I don't even know you," matapang na sagot ko. Tumalikod ako sa kanya.
He hugged me from my back. "Really? Are we still playing the prentending game?" tanong niya gamit ang kanyang malalim na boses.
Nakapatong ang kanyang baba sa aking braso kaya naman kung maka react ang puso ko ngayon ay parang sasabog na. Gusto na yatang kumawala sa rib cage ko.
"Fine! I know you. You are Viernuen Xavier. That's all. And that doesn't mean that I will put my signature in that contract. Hindi mo ako mapipilit, Viernuen."
Tumawa siya ng mahina. "It's not Viernuen for you. I am your baby right? So call me baby," he demanded.
Marahas akong napaharap sa kanya. "Stop it! Aalis na ako at wala ka ng magagawa," humakabang na ako papalayo sa kanya.
But he didn't even let me to go outside. Idinikit niya ako sa pintuan. He is facing my back right now. "Let's see."
Nilapat niya ang papel doon at pinahawak sa akin ang ball pen.
"Now, Baby, sign it."
"No," pag iinarte ko pa rin.
Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking leeg. He sensually licked me there.
"Ahh..." hindi ko napigilan ang mag react.
"Sign it now, Baby," bulong niya habang dinidilaan pa rin ako roon.
Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya iyon papunta sa papel. Dahil sa sarap na nararamdaman ay hindi ko na namalayan na nakapirma na ako.
"I told you so," he let out a chuckle. Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan sa labi. "See you tomorrow," saad niya at pinatabi ako. Pagkatapos ay lumabas na.
Nakanganga akong nakatitig sa sarado ng pintuan.
Grabe! Bumigay talaga ako dahil doon?
Nang makapunta na ako sa firm ay parang lumipad ang utak ko. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nangyari kanina. I can still feel his lips on my neck. On how he sensually licked me in that spot. I can still feel his soft lips on my lips. How tasteful it is.
Gosh. What is happening to me?
Hindi ko na yata kakayanin kung makikita ko pa siya ulit. But I'll be seeing him tommorow! Nakapirma na ako and I'm sure na pag uusapan na namin ang tungkol sa rest house niya.
Bakit ba siya nandito? Wala ba siyang trabaho sa Manila?
Buti nalang kinagabihan ay nadivert ang attention ko.
Magkakasama kasi kaming magkakaibigan ngayon. Me, Xena, Entiny, and Ingrid.
"Malapit na akong ikasal, girls. Invited kayong lahat ah. May kanya kanyang role na gaganapin sa kasal ko," excited na sabi ni Ingrid. I am so happy for her.
"Buti nalang ay hindi ko pa due date sa napili kong buwan. Baka biglang lumabas ang pakwan na dala ko," natatawang sambit ni Entiny.
"I also have a good news!" Xena said.
"Ano naman?" tanong ko.
Pinatong niya ang kamay niya sa kanyang tiyan. Lahat kami ay napasinghap.
"For real? Buntis kana?" sigaw na taong ni Entiny.
Agad ako lumapit kay Xe at niyakap siya. "Congrats! Ang tagal mong hinintay 'to."
They are married for three years at talaga nga naman na naghahangad sila ng supling. Sadly, hindi nila iyon nakakamit. Kaya sobrang saya ko para sa kanila ngayon. Finally at natupad na ang wish nila.
"Anong reaskyon ni Briane ng malaman niya?" Ingrid curiously asked.
"Umiyak siya. Umiyak kaming dalawa," natawa pa siya. Siguro ay naimagine iyon.
Tinuloy namin ang kwentuhan namin.
Tahimik lamang ako at pinagmamasdan sila. I am so happy for them. Xena carrying her first child now. Entiny, who has a "pakwan" in her tummy, and Ingrid looks so excited for her incoming wedding.
But I know that deep in my heart ay nangangarap din ako na sana maging katulad nila ako. Masaya sa buhay pag ibig at hindi nag iisa.
"Ikaw ba Vian? Kailan mo balak mag settle down?" baling sa akin ni Entiny.
Napangiti ako ng malungkot. "Wala naman akong love life," sagot ko.
Nagkatinginan kami ni Xena at mapang asar siya ngumiti sa akin. I just rolled my eyes at her. Kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkot sa one night stand ko kay Viernuen.
"Galaw galaw rin kasi," Ingrid said.
Oh, trust me, Ingrid. Hindi lang ako ang gumalaw. May gumalaw pa sa akin.
Napapiling nalang ako at napngiti.
Nang mag oras na ay napagpasyahan na naking maghihiwahiwalay. Kanya kanyang sundo ang mga taong mahal nila sa kanila.
Dumiretso na ako sa sasakyan ko at sumakay roon.
Habang nagmamaneho ay bigla kong naisip ang pagkain. Gusto ko ng pagkain.
Kumain naman na kami kanina pero feeling ko ay gutom pa rin ako.
Itinigil ko ang sasakyan sa haral ng Mcdo. I want to eat some fries, burger, and drink juice.
When I finished ordering I placed the foods on the table.
"Hmm," sarap na sarap kong usal. Feeling ko ay first time akong nakakain ng ganito. Ang sarap talaga!
Bibili talaga ako ng isang kilo ng fries. Bibili na rin ako ng patis and buns.
Hindi pa ako natapos doon. Huminto pa ako sa isang convenience store. Bumili ako ng limang dutchmill. Iinumin ko lahat mamaya iyon pagka uwi ko.
Pagka uwi ko nga ay agad kong binuksan ang lahat at ininom na. Feels like heaven.
Dahil sa busog ay naging mahimbing ang tulog ko. Hindi na inisip ang muling pagkikita namin bukas.
Gumising na ako at tila nanghihina. Tamad akong nagtungo sa kusina at nag ready ng breakfast. Ultimo pagkain ay sobrang bagal ko. Gusto ko lang mahiga ng buong araw. Pero hindi pwede dahil sa trabaho.
Saan ba kami mag uusap ng lalaking iyon?
Bumalik ako sa kwarto at humiga ulit. Tamad kong kinuha ang cell phone ko ng magvibrate iyon sa side table.
Unknown:
Let's meet at Briane's wife restau.
The number is not registered on my phone but I know who it is.
Paano niya nakuha ang number ko?
Oh, maybe form Briane.
Nag send ulit siya ng text. Sinabi na mamayang five kami magkita roon.
Buti nalang! Makakahiga pa ako buong maghapon. Wala naman akong gagawin sa firm ngayon kaya hindi na muna ako papasok. Wala namang problema roon.
Pumwesto na ako ng maayos sa aking kama. Ipinalibot ko ang mga unan sa akin at nagkumot. Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog muli.
Napahimbing ang tulog ko kaya naman paggising ko ay ring nang ring ang cell phone ko.
"Ano ba?" wala pa sa sariling tanong ko sa caller. Ni hindi ko tinignan kung sino iyon.
"You're late," tipid niyang sagot.
Napamulagat ang mga mata ko at tinignan ang caller. Sii Viernuen! And it's already five thirthy in the afternoon.
"I-im sorry. Can you me thirty minutes?" nahihiya kong sambit.
Narinig ko ang paghinga sa kabilang linya. "Fine."
Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Pagkatapos ay pumili na ako ng damit. Inayos ko rin ang sarili ko para maging representable.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa may restaurant.
Pagkarating doon ay pumasok na ako. Pagkabukas ko palang ay nabungaran kobsi Xena na nasa counter. Mapang asar na naman itong nakangiti sa akin. Ngumuso pa siya, itinuturo ang lalaking naka upo.
Naglakad na ako papunta kay Viernuen. Dala ko ang ibang plates na pwede niyang pagpilian.
"Mr. Xarvier," pormal kong saad at umupo sa harapan niya.
Napanguso siya. "Didn't I remind you to call me baby?" parang bata pa niyang tanong.
"Be serious. I am here for work," saad ko at tumikhim.
"I'm serious. Call me baby," mariin niyang sambit.
Napaikot nalang ako ng mata at binuksan ang envelope.
"Now let's start. Ano bang gusto kong design ng bahay mo? Saan ang location?" seryoso kong tanong.
"Recomend some designs to me," tila nagseryoso na nga siya.
Pinakita ko sa kanya lahat ng dala ko. "Anong pipiliin mo Mr. Xavier?"
"Ikaw," seryoso niyang sambit. Napanganga ako kaya naman tumawa siya mahina. "Ikaw anong gusto ko sa mga iyan?" tuloy niya at itinuro ang mga designs ko.
Tumingin ako sa mga papel at tinuro ang pinaka favorite ko. That's my dream house. Pero hindi ko naman kailangan ng bahay ngayon. Mag isa lang naman ako at ayaw ko sa mas malaking space. Mas mararamdaman ko lang ang pagiging lonely ko.
Tumango siya. "Alright. I like it," saad niya at tumango tango.
"The location?"
"If you have time tomorrow. I want you to come with so that I can show it to you."
Tumango ako. It's for work purpose. No more reasons.
Dumating ang pagkain sa kalagitnaan ng pag uusap namin.
Susubo na sana ako ng hindi ko magustuhan ang amoy nito. "Excuse me," paalam ko at tumayo.
Nagtungo ako may banyo at sumuka roon.
Ang baho naman kasi no'n. Sasabihin ko nga kay Xena iyon mamaya.
Pagkalabas ko ay nabigla pa ako sa taong nakaabang sa akin sa labas ng pintuan.
"What happened?" tila nag aalalang tanong niya.
Piniling ko ang ulo. "Nothing. Let's just continue," nauna na akong maglakad pabalik sa lugar namin kanina.
Marahil ay dahil lang sa kinain ko iyon kagabi at kanina. Pati na rin siguro sa amoy ng pagkain.
Kumunot ang noo ko ng makita ang dish na iyon. That's my favorite dish here. Laging iyon ang inoorder ko kapag pumupunta ako rito. Nakakapagtaka lang na ayaw ko ito ngayon. Alam ko naman sa sarili ko na hinding hindi ako magsasawa sa putaheng ito.
What is happening to me?