SIMULA
"Sydney! Ano? Game na?" Narinig ko ang tinig ni Percival. Lumawak ang ngiti ko't agad nagtago sa malaking bato.
"Kita ko ulo mong maraming lisa, Sydney!" Pagsilip ko sa likod ay nakita ko na si Percival na tumatakbo para habulin ako. Sa pagtakbo ko ay ganoon na lamang siya kabilis nang mahawakan nito ang likod ko.
"Taya!" Ngunit sa lakas nang pagtulak nito sa akin ay siyang dahilan para matumba ako sa puting buhangin.
"Ahh! Ahh! Pump me harder, Dristan!" Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Mula sa malaking bato at napapalibutan pa ng mga bato ay naroon ang isang babaeng nakasandal sa isang bato, habang nakatingala ito.
Maging ang dibdib niya'y naalog at tila nakapikit ang mga mata, habang sabunot ang itim na buhok ng isang lalaki.
He stood tall, a statuesque figure with broad shoulders and a chiseled jawline.
Kumabog lalo ang dibdib ko nang sandaling gumalaw ang ulo niya sa leeg ng babae at nagtama ang tingin namin. His piercing eyes and strong features radiated a sense of confident masculinity that was undeniably handsome—very handsome.
"Kuya!" Malakas na sigaw ni Percival at tinakpan naman ang mata ko gamit ang palad nito, ngunit inalis ko naman iyon at ako naman ang dumakip sa mga mata niya.
"The hell? Kapatid mo!" Ang babae na agad inayos ang kaniyang spaghetti floral dress para matakpan ang dibdib niya.
Tumakbo ang babae at ngayon ay naiwan naman si Dristan doon. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya, hindi ko tinitignan ang ibabang parte niya na ngayon ay napagtanto kong tayong-tayo.
With his rugged good looks, broad chest, and piercing eyes—mas natakot ako. Baka mamaya ay ibato ako nito sa dagat, dahil nasira ang araw niya.
He was the epitome of a handsome, confident man, kung hindi lang basagulero at babaero.
Nang maayos nito ang kaniyang itim drift short ay naramdaman ko naman si Percival na alisin ang kamay ko sa mukha niya.
"Kanina ka pa hinahanap ng Daddy, Kuya." Nang makalapit ito sa amin at pinagmasdan lamang kaming dalawa na parang duwende sa tangkad nito. Ngunit hindi siya nito pinansin at agad na lamang naglakad papalayo sa amin ni Percival.
Hindi siya nagsuot ng sando na kalimitan niyang sinusuot. Iyong sando na mahaba ang awang sa kili-kili.
"Oy! Ikaw na ang taya, ah! Magtatago na ako!" Saka tumakbo si Percival sa likod ko, habang ako ay nakatingin lamang sa naglalakad papalayo sa gawi namin ang nakakatanda niyang kapatid.
They say he was the bastard son of a wealthy elite, Geronimo Alvarez. A black sheep of the family, the rebel son with a handsome face. Firstborn of the Alvarez, Dristan Caleb Alvarez.
Mas matanda lang siya sa amin ng apat na taon. Dalawa lang silang magkapatid ni Percival at ako naman ay anak lamang ng katulong nila.
Ang hangin na siyang sinasabayan nang huni ng dagat ay tila naging musika sa akin, maliban na lamang nang mapagtanto kong kailangan ko pa pala hanapin ang nakababatang kapatid ni Dristan.
"Sydney! Kaupay na bata! Ang dungis naman!" Sinilip ko si Percival na ngayon ay nainom na ng tubig. "Persi? Tawag ka ng Mama mo sa taas! Kanina ka pa hinahanap," sunod na sabi ni nanay kay Percival.
"Ikaw naman, 'nak. Huwag na magdumi, para hindi ako napapagod maglaba ng damit mo, puti pa naman 'yan!" Pakikinig ko lamang sa aking nanay, habang hinuhugasan naman ang basong pinag-inuman ni Percival.
Umupo ako sandali at tinignan lamang ang nanay ko. Matagal na siya rito sa mga Alvarez, dahil ang lola ko ay nagtrabaho rin sa mga Alvarez. Habang tinitignan ko ang nanay ko, ayoko na hanggang dito na lang siya.
Gusto ko pa siya magala sa ibang parte ng Pilipinas.
"'Nay? Pwede po ba ako mag-aral ng college?" Dalawang taon na lang ay mag-college na sana ako kung papayagan ako. Magtatapos na ako ngayon ng Grade Ten, parehas kami ni Percival.
Magkasing edad lang din kami at parehas naman kaming sixteen years old. Malapit na siya mag-seventeen at ako naman ay padulo pa ng taon.
"Kakayanin natin, 'nak." Maliit lamang ang ngiti ko, dahil alam kong pagod na rin ang nanay ko. Magsasalita pa sana siya ay narinig ko na ang isang malakas na sigaw mula sa sala.
Mabilis akong sumilip doon at agad tinignan kung sino iyon. Baka mamaya ay may magnanakaw na nakapasok.
"Dristan, you're such a disappointment to me, when will you stop this reckless behavior and become the son I know you can be?" Ang tatay ni Percival at ni Dristan.
"Become the son? How about becoming a father I know you can be?" May galit sa mga mata ni Dristan iyon.
"You're twenty years old, Dristan, and still acting like a spoiled brat! Kakasama mo iyan sa panganay na Villion!"
“Walang kinalaman dito si Pivo, Dad. For f**k sake! You know what’s the problem of this family? You bring a w***e in this house—” Hindi iyon natuloy ni Dristan nang sampalin siya ng kaniyang ama.
Agad kong natakpan ang bibig ko at agad na tumalikod.
“I’m ashamed to call you my son!” Bulyaw ng kaniyang ama muli sa kaniya.
Ngunit hindi na siya nito pinansin pa ni Dristan na agad naman na lumabas ng mansyon nila. Madali akong hinila ng nanay at pinanlakihan naman ng mata.
“Anak, huwag ka ngang ganiyan at chismosa ka ba?” Nanliliit na tingin ng nanay—umiling naman ako.
“Tessa! Pasuyo naman ako ng kape, padala sa office ko.” Si Sir. Geronimo na ngayon ay pumasok naman sa kung saan kami naroroon ni nanay.
Dumaba ang tingin niya sa akin at agad na ngumiti ng tipid. “Pasuyo, ha?” Saka siya tumingin muli kay nanay na agad naman itong tumungo.
“Opo, Sir.”
Habang naggagawa si nanay ng kape, ay hindi ko maiwasang magtanong. Mabait naman si Sir. Geronimo, pero bakit ganoon ang panganay na anak niya sa kaniya?
“‘Nay? Magiging maayos pa po ba si Dristan at si Sir. Geronimo?” Habang naglalagay ang nanay ng mainit na tubig sa baso ay sumagot naman ito.
“Hindi natin alam, wala naman tayo sa sitwasyon nila, anak. Huwag na natin silang pakialaman at usapang pamilya nila iyan.” Tumango na lamang ako—pinagmasdan ang ina ko na umalis kasama ang kape na inutos sa kaniya.
Hindi man kami mayaman, pero masaya naman kaming dalawa ng nanay, kahit namatay na ang tatay. Baka kailangan lang ni Dristan ng magulang?
Si Percival? Lagi siyang sinusuportahan ni Ma’am Silla at ni Sir. Geronimo, pero si Dristan? Wala akong nakitang magandang salita para sa kaniya na nangging sa magulang niya, puro kasamaan lamang.