Sunod-sunod na paghalinghing ng babaeng nakilala lang kanina sa bar ang pumuno sa kwartong kinaroroonan ni Fritz. Parehong maraming nainom kaya naman wild ang magkapareha.
"Come on now lover boy! Let me try this! Oh!" Napasinghap ang babae pagkababa ng zipper ng pantalon at bumungad ang nagngangalit na pagk*lalaki ni Fritz. "The rumors about you and your friends are true! I'll make sure that you remember me. My name is Tanya." Hinigpitan ang hawak at gigil na gigil na nilantakan iyun na parang isang panghimagas.
Kumikislap ang mata ni Fritz na inilagay ang kamay sa ulo ni Tanya at hinayaang magtrabaho ang babae. Kasalukuyang nasa kabilang kwarto si Westley at malamang sa malamang ay ganun din ang eksenahan. Sa kaibigan siya natuto ng ganuong gawain.
Alvin Fritz Jereza likes to do the job, especially in bed. Siguro ay dahil nasanay siya sa pagpapalipad ng eroplano kung saan siya ang may control sa lahat ng bagay. Mas nakikitang nasisiyahan ang babae ay mas ginaganahan pa. But whenever he experienced this, hinahayaan nalang ang babae.
Nakilala ito sa bar ng hotel doon din mismo sa kinaroroonan hanggang sa magkayayaan. Magkaibigan rin ito at ang kasama ni Westley. Mga half-Pinay na nakapirmi sa Maynila. Both stunningly hot and willing. Ang nais pa nga ay mag-foursome sila. Palikero sila ni Westley at walang inaatrasan but they don’t have s*x just for fun at that level.".
Ilang sandali lang ay sinasakyan na siya ng babae na hindi alam kung paano titirik ang mata at panay ang sigaw. "Oh lover boy f*ck me, yes! Yes!"
Hinayaan ito sa nais habang patuloy na nilalaro ang katawan hanggang pareho silang makarating sa dako pa roon. Without withdrawing, Fritz exchanged their position and he started doing his thing. Sinigurado na nag-eenjoy ang kapareha habang ginagamit ito. That's what s3x is! Pure lust and no emotions for each other.Nakailang posisyon pa sila bago tuluyang huminto.
"Will you give me your number?" Tanong ng babae maya-maya.
"What for?"
Sinadya nitong idikit ang hubad na katawan kay Fritz. "Don’t you want to see me again? Because I do. It was amazing, loverboy. Honestly, it felt like my first time—because of your size!" Pinagapang ang daliri sa dibdib na agad inawat ni Fritz.
"Hindi ako nakikipag-s*x sa isang babae sa magkaibang-araw."
"You're too frank! Hindi kaba nasiyahan?" Yamot na tanong ng babae na lumayo at kinuha ang mamahaling bag sa mesa. Naglabas ng sigarilyo at doon din mismo humithit.
"But that's the truth. Kapag nagkataong nagkita tayo ulit sa isang bar at willing ka pa rin ay bakit hindi. Pero ang magkaroon tayo ng koneksyon? Hindi rin siguro."
"Do you even remember my name?"
"Thalia?"
Naningkit ang babae. "Assh*le!"
"Don't even go that far. Saka ano bang kino-complain mo at nakuha mo ang gusto mo." Bahagyang umangat ang sulok ng labi sabay palo sa balakang ng babae. "Besides, sa tingin ko ay hindi magugustuhan ng lover mo kung sakaling magkaroon tayo ng komunikasyon."
"H-How did you know-" natutop nito ang bibig. "Are you some kind of spy?"
"Relax." Fritz laughed and raised both his hands. Obvious naman na hawak ang babae ng isang mayaman na pulitiko o businessman. He noticed the expensive items she had and the way she behaved. Makikita mo ang pagkakaiba ng babaeng natural na ipinanganak na mayaman sa isang social climber. Nang madala ito sa kwarto kanina ay una nitong itinabi ang signatured bag. Ang anak mayaman ay hindi ibi-baby ang kahit anong klaseng gamit gaano pa kamahal kapag nasa gitna ng pakikipagtalik. "It's just a wild guess sweetheart." Dinampot ang mga saplot at inumpisahang isuot.
"Are you leaving?"
Bago makasagot ay narinig ang pagtunog ng phone. Dinukot sa bulsa ng pantalon at nagulat ng makita ang pangalang naka-rehistro.
"Wala ka bang planong pasyalan sila mama?" Agad na bungad ng kapatid na si Michael.
"Ang gandang bungad bro, at anong oras palang." Alas tres ng madaling araw ayon sa relong pambising. Nakababatang kapatid ang nasa kabilang linya at siyang namamahala ngayon ng chains of world-class resort at sa ibang pang mga negosyo ng pamilya.
"Late natapos ang isang event sa grand ballroom at hindi ako tinitigalan ni mama kakahanap sayo. Aba'y nakailang araw na sila dito sa Pilipinas ay ni hindi mo sila pinununtahan gayung naka-bakasyon ka! Bigyan mo siya ng kapanatagan at nag-aalala lang siya sa mga pinaggagagawa mo nitong nakaraan."
"Tell her I'm on the way. And correction, ang sinasabi mong pinaggagawa ko nitong nakaraan ay nagdala ng karangalan sa pangalan ng buong Jereza."
"Kapag hindi kapa dumating ay mapipilitan akong ibigay ang numero mo."
"Yeah, do that." Isinara ang zipper at niyuko ang babaeng kasama. "It was nice f*cking you." And kissed her on the lips before exiting the door. Hindi alintana ang malakas na pag-singhap nito at sa halip ay ngumisi. Mas makakatulong kung matu-turn off ito. Ayaw niya ng kahit na anong komplikasyon pagdating sa mga nakaka-one-night stand.
"Fritz, please." Pakiusap ng kapatid sa kabilang linya. "Kailangan kong pumunta sa main branch at ayaw akong paalisin ng mama hanggang hindi ka dumadalaw sa resort."
Mas bata ng anim na taon si John Michael o Michael kung tawagin nila. At tinutulungan siyang makapagtago mula sa pangungulit ng ina dahil sa kalayaang pamahalaan ang family business nila na dapat siya ang gumagawa. Bilang panganay ay nais ng magulang na siya ang dapat mag-handle ng papa-expand na resort business nila. Sa katunayan ay may international branch na sila na siyang dahilan ng pangingibang-bansa ng magulang. Pero bukod sa gustong manatili sa kasalukuyang trabaho bilang newly promoted Second Lieutenant Alvin Fritz Jereza ng Philippine Air Force ay wala siyang hilig sa pamamahala ng kahit na anong negosyo.
"Sinong anak ang ayaw ipabigay ang numero sa sariling magulang?"
"Our mother will just burn the line. Andiyan ka naman para iistima sila." Kinatok ang kwartong inuokupa ni Westley.
"Come on, bro-"
"All right. Sabihin mo papunta na ako!" Hindi na ito binigyan ng pagkakataong makasagot at tuluyang pinatay ang tawag.
Muling kinatok ang pinto hanggang bumukas iyun at bumungad ang babaeng gulo-gulo ang buhok. Kumislap ang mata nito nang makita siya.
"Change your mind loverboy?"
Matamis itong nginitian bago itulak ang pinto saka sumilip. Prenteng nakahiga si Westley sa kama na kagyat dinampot ang unan upang takpan ang sariling kahubaran nang makita siya.
"Damn pare! Walang pasukan ng kwarto!"
"Ang tagal mo mauuna na ako."
"Teka lang-"
Hindi na ito pinatapos at kagyat na isinara ang pinto pagkatapos tapunan ng kindat ang babaeng habol siya ng tingin. Sa elevator na nagkita ang dalawa ng nakahubad pa si Westley sa pang-itaas at bitbit ang sariling sapatos.
"San punta natin?"
"Sana nagpabukas ka nalang." Payo rito at tinignan ang maling pagkakasuot ng damit nito. "Kailangang kong umuwi sa pad at ayusin ang gamit ko. Pinapauwi ako sa resort."
"Sa resort?"
Kwenento ang kasalukuyang sitwasyon.
"Same old, same old! Na parang hindi parin sila sanay sa trabaho natin. And here I am, thinking we’d be hitting every club on our vacation Pina-summon din ako ni Dad, pero hindi ko inuuwian."
"Kung hindi ako uuwi ay si Mama ang mangri-raid ng pad. Mas maigi nang puntahan ko at ng makabalik na sila sa Maldives."
"This too shall pass." Sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
Fritz hoped for the same. Ang dahilan sa biglaang pag-uwi ng magulang ay dahil sa kinasangkutan na gulo ng grupo nila. Ang Black Eagles. Matagal na siyang pinapaalis doon dahil sa ilang mga delikadong misyong hinahawakan na sa balita na lang napag-aalaman ng mga ito. Pero nagmatigas siya. "Kaya nga mas maaga ko silang kikitain, the better."
"Bumalik ka kaagad pagkatapos. Alam mo namang lahat ay busy na. I miss the old days. Mga panahaong pagkatapos ng misyon ay diretso tayo sa pub. Ngayon ay pare-pareho ng nakatali ang mga kasamahan natin. Ang mga Legrand naman ay busy din sa kaso."
"Huwag kang mag-alala, susunod kana rin."
Nagusot ang mukha ni Westley. "As if that could happen! We haven’t lost our minds."
Nagkatawanan ang magkaibigan bago maghiwalay ng kanya-kanyang sasakyan at tinahak ang magka-ibang direksyon.
Dumiretso sa tinutuluyang pad nito si Fritz at nag-empake ng ilang damit. Pagbibigyan lang sandali ang ina na makita siyang buo parin. Dumating ang magulang mula sa Maldives four days ago. Doon sila nakabase dahil sa bagong hotel resort na tinutukuan ng mga ito. As the only international branch in their growing chain of resorts, they had high hopes for its success.
Her mother Alice, is a very ambitious woman despite her lack of business experience. Kung hindi dahil sa ama ay baka matagal ng bumagsak ang mga negosyo ng pamilya. Swerte lang talaga ang orihinal na Paradise Resorts sa Zambales sa naging lokasyon nito na nagdala ng milyon-milyong dolyares sa pamilya nitong mga nakaraang taon kaya naman ang isang branch ay nagkaroon pa ng ilang sangay sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. At idagdag pa ang kung ano-anong sister company na hindi malaman kung saan nagmula.
Ilang sandali pa ay binabagtas na ang papunta sa Zambales. Umaga na nang makarating sa resort at dumiretso sa may poolside. Naabutan na nag-aagahan ang ina at kapatid.
"Look who's here. Finally!"
Agad na humalik sa ina at naupo sa bakanteng silya . "Nasaaan si Papa?"
"He is having an online meeting with an investor." Tumawag ang ginang ng staff at nagpahatid ng pagkain para sa panganay. "Mabuti naman at nakapag-desisyon kang magpakita."
"I'm already here, Ma. No need to rant. Thank you." Pasalamat sa staff na nag-dala ng pagkain at kape. "Bakit niyo ba ako hinahanap gayung nandito naman si Michael."
"Hindi lang siya ang anak ko Alvin Fritz." Tumaas ang guhitang kilay ng ginang. Still stunning at the age of fifty-nine.
"Alam niyong may trabaho ako."
"Na hindi ko alam kung bakit hindi mo maiwan. Maraming naghihintay na posisyon para sayo. Inimbitahan ko si Carleigh na umuwi na at ayusin ang tungkol sa kasal ninyo."
Isa pa iyun sa kinaiinisan kapag nakikita ang sariling ina. Kung hindi tungkol sa paghahandle sa negosyo ang inuungot nito ay tungkol naman sa paglagay sa tahimik. At hindi lang basta kung sino. She wanted him to marry the daughter of her childhood best friend na naging kasintahan noon. Carleigh is a successful lawyer in Colorado now. "Hindi paba siya nag-aasawa?"
"Busy ang batang yun sa trabaho. At alam niya ang tungkol sa plano namin ng mommy niya kaya hindi siya pwedeng mag-asawa kung hindi ikaw ang groom."
"Nasa twentieth century na tayo para sa arranged marriage." Hindi napigilan na komento.
"It's not a secret to everybody that Carleigh has liked you ever since you guys were kids. Hindi ba naging magkasintahan naman kayo?"
"Kung gusto niyong ipaasawa ang anak ni Tita Carla sa Jereza ay bakit hindi itong si John Michael at Carrine ang ipakasal ninyo. Mas makakatulong yun sa paglago ng kompanya because they are both experts in business."
"Bakit naman ako nasama diyan?" Singit ni Michael.
"Huwag na nating idamay ang kapatid mo at busy na siya sa trabaho. But I hope pumili siya ng maayos na babaeng susuyuin at hindi kung sino-sino lang."
"Ma, hindi kung sino-sino lang si Sophia."
"Sophia?" Takang tanong at pinaglipat-lipat ang mata sa ina at sa kapatid.
"Naku, yang kapatid mo ay binabukaran ang bagong empleyada ng resort." Nakaismid na sumbong ng ginang.
Dumako ang mata sa kapatid na halatang asiwa sa pinag-uusapan. "Is she pretty?"
"She's off-limits!"
Tumikwas ang kilay. Kilala ang kapatid sa pagiging territorial. Pero nakikinig ito sa ina. Sasagot sana ng magpaalam ang kapatid dahil ipinatawag ng isang empleyado.
"Watch out for your younger brother Fritz. Mukhang seryoso siya this time."
"Lagi namang ganyan yang si Michael. Bakit hindi niyo na lang hayaan. I'm sure kapag nanawa sa babae ay siya mismo ang magdidispatsa rito." Inumpisahang lantakan ang agahan na isa sa mga bestseller ng resort. Sinangag na maraming organic na bawang, daing na may homemade sawsawang suka na sariling timpla ng pamilya- minana pa iyun ng ina sa lola nitong Ilocana, at itlog on the side.
"He is being persistent this time."
"At ang empleyadong ito?"
"A new staff. Kaklase ni Carrine noong kolehiyo. At her age ay walang experience. Kung ako ang tatanungin ay ni hindi ko siya iha-hire."
"Don't be a snob Mama. Baka may pinagdaanan siya kaya hindi agad nakapag-trabaho. At paanong andami niyo ng alam sa kanya gayung kararating niyo lang galing Maldives?"
"May pakpak ang balita, hijo. At mukhang hawak na agad ng babaeng ito ang leeg ng kapatid mo. Natatakot akong isang araw ay bigla na lang maging general manager ng resort na ito ang babaeng yun."
"Kung magaling siya ay bakit hindi."
Tinapik ng ginang ang dibdib ng anak. "Hindi kita ipinatawag dito para kontrahin ako. Do something with this woman. Hindi ko siya gustong dumidikit sa kapatid mo. Iba ang sapantaha ko sa kanya. May palagay akong hindi maganda ang dala niya sa pamilya natin."
"You are getting old Mama, at nagiging snob. Dahil ba mahirap ang babae?" Panghuhula. Kilala ang sariling ina, madalas ay may ugali itong nanghahamak ng tao base sa estado sa buhay.
"She's acting prim and proper. At hindi ako naniniwalang ganun talaga siya. Ang babaeng lumaki sa hirap ay hindi aakto ng ganun unless may binabalak sa isip niya. Isang buwan palang siya rito ay dumidikit na siya agad sa kapatid mo."
Napapailing nalang si Fritz. "Gusto ko tuloy makita ang Sophia na ito. Kung ganun kabilis na nagkagusto si Michael sa kanya na kilalang pihikan sa babae ay may kakaiba itong katangian."
"That's not the reaction I want to get from you! Umayos ka Fritz, this is a serious matter. Baka unahan kapa ng kapatid mong magpakasal. At sa opprtunistang babae pa!"
"Well, I don't mind mother. Baka siya ang magbigay ng inaasam mong apo."
Katakot-takot na irap ang ibinigay ni Mrs. Jereza sa panganay na anak at pinanood itong kumain.