Chapter 21

1380 Words
“Aray...” Agad akong napahawak sa aking ulo. Kumikirot iyon na parang may pumipilit baakin ang bungo ko. For the first time in a while, ngayon na lang ulit ito nangyari. Unang beses kong naramdaman ito ay noong aksidente akong nakainom ng juice na may alak. “Ang sakit sa ulo ng panaginip na iyon,” sabi ko pa habang pinaiikot ang aking daliri sa aking sentido. “Bakit ba biglang pumasok sa isip ko ang nakaraan namin ni Kyo? All of a sudden? Bakit—” “Hindi ka nanaginip. Ikinuwento mo iyon sa akin.” Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ko sa kama. Bagay na nagpasakit lalo sa ulo ko. Umiikot ang paningin ko kaya agad akong napapikit. Ngunit hindi ako puwedeng magkamali. Si Tennessee iyong nagsalita! “Nasaan ako? Bakit ka narito?” tanong ko habang binabalanse ko ang katawan ko sa pag-upo. “Nasa kuwarto ko. Ilang oras kang nakatulog dahil nakainom ka ng alak.” “Ano’ng sinasabi mo? Nakatulog ako sa kuwarto mo? Alak?” “Oo. Alak. Hindi mo maalala?” “Hindi ako naniniwala! Seryoso ka ba? Paanong...” Mayamaya ay bumuntong-hininga siya habang nakatingin lang sa akin. Aniya, “Isa pa, hindi kita pinaglalaruan.” Mahinahon na siya ng mga oras na iyon ngunit hindi ko pa rin matanggap kung ano ang nangyari ngayon. Ang lakas ng loob kong sugudin siya hanggang dito sa kuwarto niya pero ako itong unang nangatog ang tuhod dahil sa pagsigaw niya. Siya itong may atraso sa akin pero parang ako pa rin ang talo sa huli sa pagkompronta ko sa kaniya. “Hindi porke at miyembro ka ng Epilogue o fan ninyo ako ay may karapatan ka ng gawin ito sa akin,” sabi ko habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. “Obvious naman na gustong-gusto mo na inaasar ako at pinaglalaruan. Bakit? Dahil ba trip mo lang o dahil ganiyan ka talaga?” Nanliit ang mga mata niya. “Ano?” “Ganiyan ka ba talaga? Ganiyan ba talaga kasama ang ugali mo?” mariing sabi ko. “Masama ang ugali ko?” ulit niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napatungo ako habang mabilis na pinunasan ang luha sa mata ko. “Sige. Masama ang ugali ko,” aniya. Hindi ako nakaimik bagkus ay nagpatuloy ang alaala ko kasama siya. “Sorry,” sabi ko nang hindi makatingin nang diretso sa kaniya. Nang masipat ko ang isang bote ng coke na nakapatong sa lamesa niya ay agad ko iyong kinuha saka ininom nang diretso. Pakiramdam ko kasi ay may nakabara sa lalamunan ko. Hiyang-hiya ako. “I think you shouldn’t drink that,” nag-aalalang sabi niya. Tiningnan ko si Tennessee at doon ko lang napagtantong amoy alak ang boteng iyon. Agad akong tumingin sa paligid at doon ay nasipat ko nang maayos si Tennessee na nakaupo sa gilid ng kama habang may hawak na bote. Sa pagkakaalala ko ay iyon ang boteng ininuman ko kanina sa pag-aakala kong tubig ang laman niyon. “Hindi mo pa rin maalala?” aniya pa saka iniindayog sa ere iyong bote. Mabilis akong tumayo at hindi na ininda pa ang sakit ng aking ulo. Kung ganoon, hindi nga panaginip iyon? “Kasalanan mo e! Bakit alak ang laman niyan?” Kumunot ang noo niya. “Kasalanan ko?” aniya. “Gamit ko ang lahat ng nasa kuwarto ko tapos kasalanan ko? Kung gusto mo uminom, sana nagtanong ka muna o kaya doon ka kumuha sa ref. Paano kung lason ang laman nito? Umiiyak na sana ako ngayon.” Napalunok ako. Hindi ko inasahan ang huling linyang sinabi niya, bagay na nakapagpakabog sa aking dibdib. Iiyak siya? Umakto akong di natinag. Dinuro-duro ko siya habang nauutal na sinabing, “Bakit ka naman iiyak?” Tiningnan niya ako nang seryoso. Iyong tipong may halong pagmamalasakit at pag-aalala. Seryoso ba siya? Ngunit gayon na lang ang pagnanais kong alisan siya ng hininga dahil sa sumunod niyang sinabi. “Iiyak ako dahil sa katangahan mo.” Agad na nagpanting ang aking mga tainga dahil sa kaniyang sinabi. Iniinsulto niya ba ako? Napabuga ako ng hangin saka tiim-bagang kong sinabi, “Ang sama talaga ng ugali mo!” Tumayo siya saka ipinatong iyong bote sa maliit na mesang nasa gilid lang din ng kama. Pagkaraan ay tumingin siya sa suot niyang relos. “Alas nuebe na. Huwag kang maingay. Nakatulog na iyong apat kahihintay sa paggising mo.” Ginulo ko ang aking buhok. Tinalikuran ko rin siya saka pilit na inalala ang nangyari. Parang ala una pa lang kanina tapos alas nuebe na agad? At dito talaga ako nakatulog sa kuwarto ni Tennessee? “Tsk!” Muli akong napahawak sa aking ulo dahil sa pagkirot niyon. “Salamat.” Kumunot ang noo ko. “Salamat saan?” tanong ko nang hindi siya nililingon. “Nakuwento mo sa akin ang tungkol sa boyfriend mo nang hindi ako nahihirapang magtanong.” Mabilis ko siyang nilingon saka binigyan ng makahulugang tingin. Sambit ko, “Kasalanan iyan ng alak! Kasalanan mo!” Bumuntong-hininga siya na siyang bahagya kong ipinagtaka. Para siya ngayong nag-aalala. Iyong hitsura niyang mapang-asar ay napalitan ng pangamba. “Dasura.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ano?” It took him few seconds to respond. Aniya, “You really love him?” Natigilan ako. His question suddenly made my head go crazy, thinking what was the best answer to it. Hanggang kusa nang bumalik ang alaalang kasama ko si Kyo. “I love you.” Kyo gave me a sideway glance as we headed down the road. Iyong mga kamay namin ay kanina pang magkahawak pagkatapos naming lumabas ng campus. Finally, graduate na kami sa college! Pinisil niya ang kamay ko sabay sabing, “How much?” Nanliit ang mga mata ko. Ni hindi ko naisip na may tanong palang ganoon. Ngumiti ako. Sagot ko, “So much that none could be able to measure it.” Sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Mga ngiting hinahanap palagi ng mga mata ko. “I love you too, Dasura.” Sa ilang minutong pagtitig ko kay Tennessee habang tumatakbo ang isip ko ay muli siyang nagsalita. “Should I let you drink again for you to be able to answer the question?” aniya. “I love him so much. So much that none could be able to measure it,” seryosong sagot ko sa kaniya. Ang bilis ng t***k ng puso ko ng mga sandaling iyon. I didn’t know what was Tennessee really up to. I just always found myself giving him the answers. “So much even if it is unfair?” aniya sabay ngisi. “So much even if it is painful?” Nagimbal ang sistema ko sa tanong niya. Pakiramdam ko ay ang dami niyang alam at gusto niya akong pagtawanan. Nahihiya ako, naiinis ako, at gusto ko siyang sigawan! Ano ba’ng alam niya? “Ano?” Ngunit kahit na ganoon ay nanatili akong nakatayo sa harapan niya kahit malapit nang bumigay ang mga tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa halu-halong nararamdaman. Mayamaya pa ay unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. “Dasura.” “Aalis na ako,” mabilis kong sabi. Hindi pa man ako nakakahakbang ay agad na niya akong napigilan. Hawak-hawak na niya ngayon ang braso ko habang mariing nakatingin sa akin. “Bitiwan mo ako,” may diing utos ko ngunit tila bingi siya. “Stay.” “Ano ba’ng problema mo?” may galit na tanong ko sa kaniya. “Bakit ba pinapakialaman mo ang buhay ko? Bitiwan mo ako! Uuwi na ako—” I broke down without totally noticing it. Yakap-yakap ako ngayon ni Tennessee habang marahan niyang hinahagod ang aking likod. “Uuwi na... ako...” I couldn’t speak clearly anymore. Parang ang daming nakabara sa lalamunan ko. Kumikirot ang puso ko. Hanga ako sa kaniya. Hanga ako dahil ang galing niyang utusang bumuhos ang mga luha ko. “I am not as good as a good person, and not as righteous as a righteous man, but I can somehow be helpful at times. You can cry first on my shirt before you go home. I won’t ask anymore.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD