“A-ang sama-sama mo, Kyo! A-ang sama ng ugali mo! Napaka—” Muli akong napapikit nang ambahan niya ulit ako ng isa pang sampal. Nakarinig ako ng isang malakas na sampal ngunit hindi iyon tumama sa akin. “Medyo mabigat ang kamay mo.” Agad akong napamulat nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Pagmulat ko’y agad akong napatayo nang makita ko kung sino ang humarang sa malakas na sampal na dapat ay tatamang muli sa aking pisngi. “Tennessee?” Hindi ko man nakikita ang buong mukha niya dahil naka-face mask siya ay alam ko at kilala ko na ang kaniyang boses. “A-ano? Sino kamo? Tennessee? Sino ‘to Dasura? Ang kapal ng mukha mong sabihin na may kabit ako tapos may lalaki ka rin naman pala?” sigaw ni Kyo. Hindi ko pinansin si Kyo bagkus ay hinawakan ko sa braso si Tennessee na nakaha

