“May gusto ba sa iyo si Tennessee?” Agad namilog ang aking mga mata sa kaniyang tanong. Ni hindi ko rin napigilang hindi mapanganga dahil sa naisip niya ng mga sandaling iyon. “Tama ba iyong narinig ko?” sambit ko. “Oo. Bakit? Masama bang itanong kung may gusto sa iyo si Tennessee?” “Are you okay?” Nilingon ko si Tennessee na nakatingin lang sa akin. Tumango lang ako bilang sagot saka sinulyapan ang daan sa labas ng sasakyan. “Huminga ka lang nang malalim, kumapit ka lang sa akin. Huwag mo nang isipin ang sinasabi nila...” Unti-unti ay napalingong muli ako kay Tennessee na ngayon ay kumakanta sa aking tabi habang nakapikit ang kaniyang mga mata. “Mga luhang pinipigil, ibuhos mo lang sa akin. Ako ay mananatili sa iyong tabi. Tumingin lang sa aking mga mata...” Sa puntong iyon ay na

