Makalipas ang dalawang araw na hindi ako nabisita sa bahay ni Tennessee ay naging mapayapa ang mga araw ko. Hindi ko naman maitatangging naiisip ko pa rin ang mga pinagsasabi niya sa akin kahit nasa grocery store ako at nasa trabaho pero malaking tulong na hindi ko siya nakikita o nakakasalubong. Universe perhaps helped me. Pagkatapos ng aking shift ngayong tanghali ay naisipan ko munang huwag umuwi. Tutal ay tanghalian na rin naman ay naghanap muna ako ng street foods. Bigla rin kasi akong natakam sa sa siomai. Habang naglalakad patungong food court ay bigla namang tumawag si Jayana na agad ko namang sinagot. “Jayana!” “Kumusta? Kumusta rin ang pagre-review?” tanong niya habang ngumunguya. “Kumain ka na ba?” Oo nga pala. Review? Marami akong oras pero nawawalan ako ng panahon para m

