Wife

1260 Words
"Nanay Soledad, si spoiled brat po? Hindi pa po ba gumigising?" tanong ko nang magtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Maaga akong nagising kanina kaya naisipan ko na mag-jogging para na rin maging pamiyar ako sa mga pasikot-sikot dito. Saka para na rin sa seguridad. Wala ngayon ang mag-asawa na Rivas. Ayon kay Nanay Soledad ay madalas daw umalis ang mga ito. "Maaga pa naman, hijo. Saka gigising lang 'yon kapag malapit na siyang tanghaliin sa school! Saka alam mo naman na mahirap gisingin ang batang 'yon!" Natatawa niya pang biro habang naghihiwa ng kamatis. Tumango-tango lang ako lang ako at ngumiti sa kanya. Ibig bang sabihin ay hindi siya nakikinig sa mga sinabi ko kahapon? Sa sobrang dami ng mga sinabi ko ay wala man lang siyang tinandaan? Sinusubukan talaga ang pasensya ko! Mabilis akong pumasok sa kwarto kung saan ako nakatigil pansamantala. Sa shower room agad ako nagtungo at isang mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Nang makatapos at makapagbihis ay lumabas na rin ako. Para puntahan si spoiled brat sa kwarto niya. At wala na siyang nagawa pa nang gisingin ko siya. Akala niya ata uubra ang tigas ng ulo niya sa akin. Pero grabeng pahirap makaharap si Ms. Rivas, pakiramdam ko tuloy ay pinaparusahan ako. Hindi man lang alintana ang pinaggagawa niya sa akin. At nang sabihin ko sa kanya ang suot niya ay bigla siyang nagtago sa kama niya. At mabilis naman akong lumabas sa kwarto niya dahil sa torture na binibigay niya sa akin. Kahit pa anong mangyari ay lalaki pa rin ako at may pagnanasa sa katawan kaya naman hindi talaga madali ang pagiging babysitter ko rito sa spoiled brat na ito! "Ulitin mo! Anong klaseng tiklop 'yan?! Ms. Rivas, napakasimple ng pinapagawa ko sa'yo ay hindi mo pa magawa!" Napahilot na lang ako ng batok nang makita ko ang pag-aayos ng kama na ginawa niya. Ginawa niya pang suman ang higaan niya. Ang mga unan niya ay binalot niya sa kumot at nirolya pa. Bago siya sumunod ay talagang inirapan pa ako at nagdamog na inayos ang kama niya. "Mr. Old man, can you turo me na kasi! I'm so pagod na talaga to ayos this blanket and the pillow! So mahirap naman to ayos this! I can't gawa talaga, pleaseeee!" nakanguso niya pang utos sa akin. Tao ba talaga ang babae na ito? Bukod sa pagluluto ay wala na siyang alam gawin sa buhay niya. Para talaga akong may alaga na bata! Mas mahirap pa to sa pinagdaanan ko na training noon. At kung alam ko lang na ganito kahirap disiplinahin ang babaeng ito ay sina Samaniego at Cortez na lang sana ang ipinalit ko! "Oh wow! You're so magaling, Mr. Old man—oh no! Why you gulo gulo again? It's maganda na—" "Do it yourself! Faster! Hindi pwede na mabagal, bilis!" "I hate you, Mr. Old man! You're masama ang attitude, hmmmp!" Isang masamang tingin pa ang ipinukol niya sa akin bago pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang beses mo pa kasing pinaulit-ulit sa kanya ang ginagawa niya. Dapat niyang matutuhan ang mga basic na mga bagay na karaniwan na ginagawa ng mga normal na tao. Lihim pa ako nagdiwang habang tinitingnan ko siya sa rear view mirror na nakasimangot at isang nakakamatay na irap ang binibigay sa akin. Pero ayos lang sapagkat akin ang puntos ngayon! Fúck! Konti na lang talaga at sasabog na ang itlog ko sa kalokohan ni spoiled brat! Kanina pang umaga niya ako pinipikon at akala ko ay nakapuntos ako sa kanya, pero muli na na naman niya ako naisahan. Ito siguro ang paraan niya para mapaalis ako bilang bodyguard niya. At anong akala niya na gusto ko ito? Nakagat ko nang mariin ang labi ko dahil sa sinabi ng spoiled brat na yun! Ako may crush? Ni hindi ko na nga alam ang pakiramdam na kiligin! Humanda ka sa talaga sa akin mamaya! Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya sa babaeng kaharap ko ngayon. Pilit niya pang nagpa-cute sa akin habang nakatingin. May asim pa nga siya, pero burong mangga! Hintayin mo ang ganti ko, spoiled brat! Hindi ko nga kilala ang may edad na babae sa harap ko na halos kaedad na ni Nanay Mely. Nang tingnan ko siya ay todo pa ang ngiti niya at bahagya pang binabasa ang kanyang labi. Kaya naman wala akong choice kundi ngumiti rin ng alangan sa kanya. Kapag nga naman minamalas ka! "Mr. Bodyguard…totoo ba na crush mo ako?" tila kinikilig niyang tanong sa akin. "I'm very mahiyain kasi sa mga ganyang mga bagay. Pero wala naman sigurong masama kung itanong ko this time. Kahit pa medyo conservative ako na tao sa mga ganitong bagay." Hinaplos niya pa ang braso ko. Mabuti na lang at hindi gaano karami ang tao dito ngayon. Kung hindi ay baka napagkamalan akong inihatid ng nanay ko! What the heck! Habang tinitingnan ko siya ay para na niya akong anak. Hindi ko naman pangarap makipag lampungan sa may rayuma na at mukhang may osteoporosis pa. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis kay spoiled brat! Makakaganti rin ako sa'yo! Paano ko ito lulusutan ng hindi siya mapapahiya? "Pasensya na kayo Mrs.Tina, pero—" "Ms.Tina lang. It's okay, don't be shy Mr. Bodyguard. Sa totoo lang medyo pasok ka naman mga standards ko. I'm sure naman na hindi ka mahihirapan sa panliligaw sa akin. Hindi naman sa tinatakot kita, pero medyo strict ang mga parents ko, huh…" kimi niya pang sabi. Laglag ang panga ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Matindi ito! Wow! Medyo pasok daw? Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko kay spoiled brat dahil dito. Imbes na tahimik ang buhay ko ay binigyan pa ako ng malaking problema! Tumikhim ako muna ako bago ako muling nagsalita. "Mrs.Tina Go—" nagulat pa ako ng paluin niya ako sa braso. "Ms.Tina, lang. Saka hindi naman first time na may nagkaroon ng lihim na paghanga sa akin ang isang lalaki. Marami na at sa sobrang dami nga ay hindi ko na mabilang!" pagyayabang niya pa sa akin. Hindi ko naman tinanong. Calvin, kalma! "Hindi ko rin naman sila masisi kung nabighani ko sila sa kagandahan ko, katulad mo. Saka maliit na bagay." Tumawa pa siya at hinampas ako nang mahina sa braso. Ito si Nanay, mapanakit din! What? Seryoso na siya sa mga sinasabi niya? Mr. Rivas, humanda ka talaga sa akin! "Ayaw kong maging bastos, Mrs–Ms. Tina, pero may asawa na po akong tao at sa katunayan ay buntis siya sa panganay namin. Mauna na po ako. Magandang araw!" "May asawa ka na? Married?" "Yes. Soon to be father na." "Mr. Bodyguard, I don't think so na you have a wife. Gemini told me na you're single and available. Don't be afraid na ma-fall ka sa akin, I know how to catch!" Hinawakan niya pa ang baba ko sabay kindat sa akin. Gusto ko pang kilabutan dahil sa ginawa niya. Kahit kailan talaga ay pahamak si Ms. Rivas sa buhay ko! At nang mawala siya sa paningin ko ay mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan. At dito lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ba siya nadidiri sa mga pinagsasabi niya? Wala na akong maisip na ibang palusot kaya sinabi ko na lang 'yun sa kanya. Pero mukhang hindi niya pinaniniwalaan ito. Mas malaking problema pa yata ang haharapin ko! Naihilamos ko pa ang mga kamay ko sa sobrang inis kay spoiled brat! "Whoa! Hintayin mo ang ganti ko, Mr. Rivas sa pagkakanulo mo sa akin sa matandang 'yun!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD