Hindi man lang siya nandiri ng inumin niya ang buko juice na hawak ko. Babae ba talaga siya? Ngayon lang ata ako nakatagpo ng ganitong babae sa buong buhay ko.
Kakaiba talaga pati pag-iisip ay parang may sapak din.
Matatawa ka na lang na maiinis sa mga inaasta niya na para bang bata. Ang hirap niyang sabayan sa maraming bagay. Pati pagsasalita niya ay masakit sa ulo.
Kapag napapatingin ako sa likod ay kulang na lang ay ibaon niya ang mukha sa laptop.
Masyadong madaldal kaya naman napapahamak. Napangiti pa ako dahil sa reaksyon niya kanina. Biglang namula ang pisngi niya dahil sa hiya.
Napansin ko rin na mabait din naman siya at malambing sa mga kasama niya sa bahay. Maging ang pagiging malapit nito kay Nanay Soledad ay napansin ko rin. Siguro dahil ito na rin ang halos ang nagpalaki sa kanya.
Halos lahat ng mga nangyayari sa kanya ay kaagad niyang sinasabi sa mga ito. Spoiled brat man siya, pero hindi naman siya suplada sa ibang tao. Napansin ko rin na masyado siyang curios sa mga bagay-bagay. At inosente sa maraming bagay kaya naman napapahamak.
Pagdating namin sa bahay ay sa kwarto ako unang tumuloy upang basahin ang ibang report na naiwan ko sa presinto. Ilang saglit lang ay may naramdaman akong nakasilip sa pinto at umasta ako na hindi ko siya nakikita. Alam ko na may kalokohan na naman siya gagawin.
Hindi niya alam na konektado sa cellphone ko ang cctv sa labas ng bahay.
At hindi nga ako nagkamali dahil mukha siyang magnanakaw na dahan-dahan lumabas ng gate. Kaya naman kaagad kong kinuha ang susi ng motorsiklo ko upang sundan si spoiled brat kung saan na naman siya pupunta. Mukhang sa palengke siya pupunta.
Kitang-kita ko pa kung paano siya tuwang-tuwa habang nakatingin sa niluluto na pagkain sa harap niya. Hinayaan ko lang siya na mag-enjoy sa pinapanood niya. Ilang saglit lang ay mukhang tapos na at pauwi na rin siya.
Nauna ako sa bahay upang gulatin siya sa kalokohan niya.
At mukhang gulat na gulat nga siya nang makita niya ako na nasa harap niya. Balak pa akong suhuluhan ng mga pagkain niya. Marami pa sana akong gustong sabihin ngunit tinakasan na naman ako. Napahilot na lang ako sa batok dahil sa mga nangyayari ngayon.
Daig ko pa ang may batang alaga dahil sa nararanasan ko ngayon dito. At nang mapasukan ko siya sa loob ng kanyang kwarto ay mabilis niyang isinubo lahat ng pagkain sa bibig niya kaya naman napaawang pa ang bibig ko. Anong akala niya na aagawin ko ang pagkain niya? Ibang klase talaga ang babaeng ito! May pagka patay-gutom din pala! Halos hindi niya maibuka ang bibig niya dahil punong-puno ito ng mga pagkain. Kaya wala akong ibang choice kundi lumuhod sa harap niya upang kunin ang susi sa bulsa niya. Nang madako ang tingin ko sa bibig niya ay nalunok ko pa ang laway ko.
"Whoa! Kahit kailan talaga ay pahirap siya sa akin!"
Kinagabihan ay tinawag ako ni Nanay Soledad upang maghapunan na raw.
Isa pa ang nakakatuwa dito dahil pamilya talaga ang turingan nila sa isa't isa at sabay-sabay sila kung kumain.
Maging si spoiled brat ay sumasabay sa kanila sa kusina. Ayaw daw nito na kumain mag-isa sa mesa. Mabilis kong iniwan muna ang ginagawa kong pagbabasa ngga reports. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sila. Nakita ko pa si spoiled brat habang pababa siya ng hagdan. Napasin no rin na nakasuot pa ito ng reading glass. At kung titignan mo siya ay mukha siyang mabait at hindi puro kalokohan sa katawan.
Pagtapat niya sa akin ay inirapan pa ako sabay talikod.
Itong babae na ito ay nakakarami na sa akin!
"Hijo, masarap ba ang pinakbet?" nakangiti pang tanong ni Nanay Soledad sa akin.
"Masarap po. Ganito po talagang pagkain ang gusto. Magkakasundo po kayo ng Nanay Mely ko dahil hilig niya rin ang pagluluto ng mga simpleng pagkain."
"Kaya naman pala ang ganda ng katawan niyo sir, mahilig pala kayo sa gulay!" papuri pa ni Tatay Dennis sa akin. Kaya naman natawa pa ako.
"Tatay Dennis, Calvin na lang ho. Napakasustansya po ng gulay at talagang maganda sa katawan."
"Not kaya. I'm kain kain nga ng veggies pero I'm not good pa rin. Kaya I don't kain na ng veggies." Bumaling pa tingin ko kay spoiled brat na nakaupo sa tabi ko. Pati sa pagkain ay pasaway pa rin siya. Kung hindi lang Iya babae ay ibinitin ko na siya patiwarik!
Tumikhim ako at muli akong tumingin sa kanila.
"Alaga, good ang gulay sa katawan! Mas lalo kang seseksi!"
"Emi, noong bata ka ay paborito mo ang gulay. Bakit ngayon ay ayaw mo na?" Napapailing pang himutok ni Nanay Soledad.
"Nanay, when I was bata pa, the gulay is masarap. But now is hindi na po. Maybe the farmers put ibang lasa sa tanim nila." Muli akong napatingin kay spoiled brat dahil sa palusot niya. Pati farmers ay nadamay pa sa kaartehan niya.
"Nanay Soledad, alam niyo po ba na may powers ako. Mapapakain ko ng gulay ang alaga niyo." Kinuha ko ang mangkok ng pinakbet at nilagyan ko sa plato si spoiled brat. Napatingin pa siya sa akin at handa na naman akong sakmalin.
"Kakainin mo 'yan o isusumbong kita sa mga magulang mo na tumakas ka?" pasimpleng bulong ko sa kanya. At bigla naman siyang natahimik.
"Kakain ka diba ng gulay? Nanay Soledad, simula po ngayon ay pwede po bang gulay na lang muna ang pagkain natin dito?"
"Yes!" Sabay-sabay nilang sagot at nagpalakpakan pa sila samantalang si spoiled brat ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa pananakot ko sa kanya. One point for me! Akala niya ata na siya lang ang marunong gumanti. Parusa ko ito sa kanya dahil sa kalokohan niya kanina.
"Little girl, eat your veggies…"
"You promise promise muna na you don't sumbong sumbong na I'm takas kanina?" mahina niyang sambit. Tumango-tango lang ako sa kanya. At nagulat pa ako ng ilahad niya sa akin ang hinliliit niyang daliri. Kunot noo ko pa siyang tiningnan at mukhang may kalokohan na naman siya.
"Ano 'yan?"
"Pinky promise…" kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya.
"Pinky promise…" napipilitan kong sambit.
"Pasensya ka na sir, mabait naman ang alaga namin pero minsan nga lang may sapak." Tumatawa pang sabi ni Shiela sa akin.
"Ano this?" Tinaas niya pa sa ere ang hawak niyang bunga ng malunggay. "Why looks like kahoy? Mr. Old man, I don't gusto this! Looks creepy! I don't gusto talaga…" nalukot pa ang mukha niya habang tinititigan mabuti ang bunga ng malunggay.
"Bunga ng malunggay ay hindi mo alam? Eat. Masustansya 'yan." Sagot ko at nagpatuloy na ako sa pagkain.
"How to kain this? I don't alam how? What's lasa? I'm scared to kain nito…" At muli niyang ibinalik ito sa plato niya. Mauubos talaga ang dugo ko sa kaartehan niya! Ang hirap mag-alaga ng bata!
"Kakain ka o hindi?" dahil isa-isa niyang inuusisa ang bawat gulay sa plato niya.
Natigil siya sa pagtingin sa mga gulay at kaagad kinuha ang okra at isinubo.
Gusto ko pang matawa nang mabilis niyang isinubo ang okra ay halos hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil dito.
Susunod din pala, ang dami pang sinasabi sa akin. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin ng kunin niya ang kamay ko at dito iluwa ang okra na nasa bibig niya! What the f**k?! Nakakadiri!
"I'm pasensya na. I can't pigil my bibig…"
Napapikit na lang ako dahil dito. Malapit na akong sumuko sa babae na ito!