Happy

1390 Words
Ilang araw na simula nang sabihin niya sa akin ang sekreto niya ay napansin ko na tahimik si spoiled brat. Hindi na katulad ng mga una na sobrang kulit at madalas akong inisin. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya talaga ng totoo na malungkot siya o gawa-gawaan niya lang ito. Dahil hindi ko man lang siya nakitaan na malungkot simula nang dumating ako dito. Madalas maingay siya at parang bata sa mga pinaggagawa sa buhay. Puro kalokohan at kung anu-ano pa. Madalas lang siya sa kwarto niya ngayon. At kung susunduin ko man siya ay wala rin siyang imik. Hindi katulad noon na kulang na lang ay mabasag ang eardrum ko sa sobrang daldal. Akala ko pa naman ay mas okay ito kesa sa maingay at magulo na spoiled brat. Pero nakakapanibago pala. "Nanay Soledad, bakit tahimik si alaga?" "Kaya nga Nanay, madalas sa kwarto niya lang nagkukulon. Ilang araw na siyang ganyan." "Hindi ko na rin nakikita na nakikipaglaro siya kay Brix. Ano kayang nangyari sa bata na iyon?" tanong ni Tatay Dennis. Maging sila pala ay napupuna rin ang pananahimik ni spoiled brat. Gusto ko rin sana na itanong ito kay Nanay Soledad, mabuti na lang at sila na ang nagtanong dito. "Hindi ko rin alam ang nangyari sa bata na 'yan. Hindi naman nagsasabi sa akin. Baka abala lang sa paaralan niya. Hijo, wala ka bang napapansin kay Emi? Wala bang nang-aaway sa kanya?" baling ni Nanay Soledad sa akin. "Wala naman ho," tipid kong sagot. Sabay-sabay pa kaming napalingon nang biglang pumasok si spoiled brat sa kusina. Tumingin pa siya sa akin at mabilis din naman binawi ang paningin niya at nagpatuloy sa ref. "Anak, anong gusto mong pagkain mamaya? May gusto ka bang ipaluto?" "Alaga, gusto mo movie marathon tayo? Korean movie tayo?" "Swimming tayo, Emi! Tara!" "Anak, gusto mo ba na ipasyal natin si Brix?" Tumingin lang siya at tipid na ngumiti. "Next time na lang po. I'm pagod lang po kasi. I will pasok na po ulit sa room ko…" Pati pagsasalita niya ay walang sigla. Bakit ko ba pinapansin pa pati pananalita niya? Saka mas mabuti nga ito at walang pasaway sa buhay ko. "Nanay Soledad, hindi talaga siya okay. Nag-aalala na ako kay Emi. Ayaw ko nang maulit muli kung paano siya noon nagkulong lang sa kwarto niya." Nagkukulong siya noon sa kwarto? Pero bakit kaya? "B-baka nga po pagod lang," sabat ko sa usapan nila. Dahil nababakas ko pa ang labis na pag-aalala sa kanila para kay spoiled brat. Tumango-tango naman sila pero hindi pa rin maalis sa mga mukha nila ang pag-aalala. Bumalik ako sa kwarto upang basahin ang bagong report na ipinadala ni Samaniego. Ngunit imbes na magtrabaho ako ay bigla na lang sumagi sa isip ko si spoiled brat. "Ano ba? Anong pakialam ko kung malungkot siya? Dapat nga ay matuwa pa ako–whoa! f**k! Ano bang problema niya?" Inis pa akong tumayo sa kama dahil kahit gusto kong mag-focus sa ginagawa ko ay bigla na lang siyang nalitaw sa isip ko. Kinuha ko ang susi ng motor ko. Bahala na nga! Kesa hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko. Nagdesisyon ako na umakyat at puntahan siya sa kwarto. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit hindi niya binubuksan kaya naman kumatok akong muli. "Who ba kasi 'yan?" at mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako at akma pa sanang isasarado ang pinto ngunit mabilis kong naiharang ang paa ko kung kaya naman, hindi niya nagawang pagsaraduhan ako. "Mr. Old man, go away. I don't want to kausap to others. Leave me na." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto. "Why ba? I don't want nga to labas." Reklamo niya habang pinipilit na alisin ang kamay ko. "Hindo bagay sa'yo ang tahimik." Dinala ko siya sa garahe kung nasaan ang motorsiklo ko. "I don't want to alis–" Wala na siyang nagawa nang isuot ko sa kanya ang helmet. "Sakay." Utos ko sa kanya pagsakay ko ng motor. Inalis niya ang helmet at inilagay sa likuran ko. Akma na siyang tatalikod ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay niya upang pigilan siya. Bumaba ako saglit at kinuha ko ang helmet saka ko siya binuhat pasakay sa likuran. "Stay." Habang inaayos ko ang helmet sa ulo niya. "You don't intindi ba? I sabi to you na I don't want to alis. I want sa room ko lang. Why you're makulit ba? It's not madali ba to understand?" singhal niya pa sa akin. "Stop talking, spoiled brat. Ayaw ko ng babaeng maingay." Nang maiayos ko na ang helmet niya ay sumakay na rin ako. "Kumapit ka." "I don't gusto. I know how to sakay ng motor," pasuplada niyang sagot. Natawa pa ako nang bigla kong maalala na karerista nga pala ang babaeng ito. "What is nakakatawa, huh?" "Nag-aalala sila sa'yo. Hindi sila sanay na walang magulo sa bahay." Hindi siya kumibo nanatili lang siyang tahimik habang nasa byahe kami. Ano bang iniisip ng babae na ito? Ang hirap naman hulaan. "Binasted ka ba ng crush mo? O niloko ng boyfriend mo? Gusto mo ba abangan natin?" Hindi pa rin siya kumibo at mukhang may pinaghuhugutan talaga siya. Pagdating namin sa palengke ay kaagad akong bumaba at hinubad ko ang helmet niya at saka isinuot sa kanya ang suot kong baseball cap. Namilog pa ang mga mata niya nang ilibot niya ang paningin niya. At nang muli niya akong balingan ay abot hanggang tenga ang ngiti niya. Sino ba naman babae ang ganito ang magiging reaksyon kapag dinala mo sa palengke. Parang siya pa lang yata. "M-mr. Old man…" "Sige na. Kumain ka ng gusto mo para naman mabawasan ang konsensya ko–" hindi pa ako tapos magsalita nang tumakbo na agad siya patungo sa nga nagtitinda ng mga samut-sariling street foods. "Dahan-dahan naman, hindi ka mauubusan. Ang kalat mong kumain. Tsk." Umiling-iling kong saway sa kanya dahil sa sunod-sunod na subo niya ng fishball. At nagkalat na rin ang sauce sa gilid ng kanyang labi. "Super duper, sarap talaga this white na bilog! Mr.Old man, I want that kulay orange na spiral sa stick!" Nguso niya pa sa isaw ng manok. Kapag ito talaga ang kasama ko ay nag-iiba ang tawag sa mga pagkain. "Nay, may tissue ho ba kayo dyan?" tanong at kaaga naman niya akong inabutan. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya na puno sauce. Wala man lang kaarte-arte sa katawan ang babaeng ito. "Alam mo kung ano 'yang gusto mo?" tukoy ko sa isaw. Umiling-iling naman siya habang sa isaw pa rin nakatingin at patuloy sa pagnguya ng hawak niyang fishball. "Bituka ng manok. Ano gusto mo pa?" Kitang-kita ko pa ang pagkunot ng noo niya nang balingan niya ako. "Intestine ng chicken? Like sa inside ng katawan ng poor chicken?" usisa niya. Tumango-tango naman ako at hinihintay ko kung anong magiging reaksyon niya. For sure madidiri siya sa nalaman. "It's okay, I want to tikim the bituka of chicken. I think it's masarap naman. At not scary. I want pa rin to kain kain," balewala niyang wika. Awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. At mukhang nagustuhan nga niya ito dahil kulang na lang ay mamulubi ako. Ilang saglit pa ay niyaya ko na rin siyang umuwi at balak niya yatang kainin lahat ng pagkain na nakikita niya. Pagdating namin sa bahay ay masigla na siya katulad ng dati. "Pumasok ka na sa loob." Utos ko habang inaayos ko ang motor ko. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako. "Thank you, Mr. Old man!" Hindi ako makakilos mula sa kinatatayuan ko dahil sa gulat sa ginawa niya. Ilang saglit pa ay kumalas siya at tumingin sa akin. "My heart is masaya na, Mr. Old man. Thank you so so much!" "Pumasok ka na!" At mabilis naman siyang tumakbo papasok sa loob. Pagkain lang pala ang makakapagpasaya sa kanya. Natawa pa ako nang bahagya habang pinagmamasdan ko siya. Kailan pa ako natuwa sa spoiled brat na ito? Baka naman may binabalak na naman siya na kalokohan kaya nagkukunwari siyang anghel sa harap ko? "Mas dapat yata akong matakot kapag nagiging tahimik siya." Napapailing pa ako. Muling bumalik sa isip ko ang sinabi ni Mady tungkol kay spoiled brat. "Ano bang nangyari sa'yo, spoiled brat?" tanong ko sa kawalan. Kailangan ko sigurong malaman ito upang tuluyan ko siyang maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD