CHAPTER 9 Third Person POV Paglabas nina Valentine at Lucio Teves mula sa opisina ng kanilang anak, tahimik silang naglakad papunta sa kanilang sasakyan. Sa kabila ng kanilang mga ngiti at pagkukunwaring maayos ang lahat, kitang-kita sa mukha ni Valentine ang matinding pag-aalala. Hindi siya mapakali sa naging pakikitungo niya kay Blaire, ang bagong sekretarya ni Brandon, at tila may gustong ipahiwatig sa asawa. Pagkapasok nila sa kotse, si Lucio ang unang nagsalita, sinubukan niyang basagin ang katahimikan. “Valentine, napansin ko kanina na parang hindi ka komportable kay Blaire. Ano bang iniisip mo?” tanong ni Lucio habang ini-start ang sasakyan. Nagpakawala si Valentine ng malalim na buntong-hininga, at tumingin siya sa labas ng bintana, tila sinusubukan timbangin ang mga salitang

