CHAPTER 12 Third Person POV Maagang pumasok si Blaire sa opisina kinabukasan. Bawat hakbang niya papunta sa elevator ng building ay may halong kaba at pagod. Mula sa hindi matapos-tapos na pag-uusap nila ng kanyang pamilya kagabi, ramdam niya ang bigat ng mga desisyon na kailangan niyang gawin. Ngunit, tulad ng dati, ipinilit niyang itago ang kanyang personal na mga isyu para maipagpatuloy ang trabaho. Sa mundong ito, hindi puwedeng magpabaya. Si Sir Brandon ay isa sa pinakamahigpit na mga boss, at kailangan niyang manatiling propesyonal. Pagdating niya sa opisina, napansin agad ni Blaire ang kakaibang tensyon sa paligid. Ang dating masiglang bulungan at tawanan ng mga empleyado ay napalitan ng alingasngas ng mga abalang tao—mga empleyadong tumatakbo mula sa isang desk papunta sa kabila

