Napamulat si Spencer saglit para silipin kung anong oras na sa bedside clock niya. 7:00 na. Napabuntong hininga siya ang bilis naman ng oras parang kakapikit niya lang 4 hrs ago. Bumangon naman siya at kinuha ang cellphone. 3 missed calls napangiti naman siya at agad na nagreturn call. "Good Morning Babe" Bati niya dito pagkasagot ng kabilang linya "Good Morning din!" Sagot pabalik ni Chloe. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nun ground breaking ceremony. In that span of weeks ay halos pabalik balik si Spencer sa Cebu para asikasuhin ang mga trabaho. Just like now it's the last day of his 5-day stay in Cebu. "I miss you" Sagot nito sa kanya at napasandal lang siya sa headboard at napapikit pa rin. "Hmmmm let me guess, inabot ka na naman ng 2 am sa trabaho noh??" Natatawang sagot n

