Chapter 2

1618 Words
Garden wedding ang napili nila na theme ng kasal nila, right after the ceremony lunch was served.  Isang katutak na congratulations na ang natatanggap nila at tanging pasasalamat at ngiti lang ang sinasagot nila sa kanila. “Spencer, wait till this is over patay ka talaga sa akin” Pabulong na sab ni Chloe kay Spencer “Baka nakakalimutan mo na dalawa tayo dito, kaya pagisipan mo muna yan paninigil mo sa akin” Pabulong din na sagot nito sa kanya “Tignan mo nga naman tong dalawang to, dati pa natin pinagpapartner hindi umuubra ayun pala di kailangan ng pilitin magkukusa din” Tuwang tuwa na sabi ni Mommy Michelle na kinikilig sa dalawa “Oo nga eh, nagulat nga ako sa kanila. Pero paano ba yan natupad na ang pangarap natin balae?” pagsang ayon naman ng mommy ni Chloe na si Mommy Rachel. Sumunod naman ang tunog ng mga click ng baso na hudyat ng paghalik ng isang halik ng mga bisita nila. Nagkatinginan naman si Chloe at Spencer na tila hindi ba alam ang gagawin. Binigyan ni Spencer ng isang mabilis na halik sa pisngi si Chloe, na ikinamula naman ni Chloe. “Tignan mo tong dalawang to, nahiya pa talaga eh” Hirit ni Daddy Mike “More more!”Sagot ng mga bisita na tila di nakuntento sa ginawa ni Spencer “Spencer do something!” Nakangiti pero bulong ni Chloe sa kanya “Eh ano gusto mo gawin ko?”Tanong ni Spencer “Make them stop!”Panic ni Chloe Tumayo si Spencer mula sa kinauupuan at itanayo din si Chloe. Hinarap niya ito sa kanya. Pinandilatan lang siya ni Chloe na parang sinasabi “Ano ginagawa mo?” pero deadma lang siya. He smiled and leaned down to give her a kiss on the lips. Ilang Segundo lang yun at agad din naman sila naghiwalay ng marinig ang hiyawan ng mga bisita. Hiyang hiya naman si Chloe sa ginawa ni Spencer. Yes, he was not her first kiss pero iba pa rin dahil technically wala naman sila relasyon. Isang mahinang kurot lang ang binigay niya kay Spencer at humarap na rin sa mga tao.  Di na talaga maitago ang blush ni Chloe dinaig na nito ang make-up niya. “Sige na guys, pakainin na muna natin ang bride at groom natin dahil mahaba haba pa ang araw nila” Hirit naman ni Ricky na host ng event. Si Ricky ay isa sa mga kaibigan ni Chloe at Spencer. “Thanks bro” Senyas naman ni Spencer kay Ricky na binigyan lang ng thumbs up ni Ricky Nang medyo humupa na ang attensyon na binigay sa kanila ng mga bisita ay kinonpronta na ni Chloe si Spencer. “Bakit mo ginawa yun?”Tanong ni Chloe “Ang alin?” tanong ni Spencer habang sumusubo sa kinakain niya. “Yun!”di naman mabanggit ni Chloe “Sabi ko make them stop, hindi..”Frustrated na sagot ni Chloe “The kiss?”Natural na naman na sagot ni Spencer. “That’s the only way to make them stop, ito naman don’t act as if it was your first” Biro naman ni Spencer sa kanya “Pero kahit na!”Reklamo ni Chloe “You’ll get use to that, my dear wifey” Nakangiting sagot ni Spencer sa kanya. Inalok pa niya ito na susubuan siya ng pagkain, napansin naman ni Chloe na nakatingin ang mga tao sa kanila kaya isinubo niya na rin ito. “That’s more like it”Nakangiti pa rin na sagot ni Spencer sa kanya. Late afternoon na rin nang makauwi ang lahat ng bisita. Naiwan nalang ang ilan mga malapit na kaibigan at kamag-anak nila. Nagbibihis si Chloe sa mas komportable na maisusuot habang naiwan sila Spencer sa labas. “Infairness bro ah, may spark din talaga kayo ni Chloe. Ang sweet niyo lang talaga” Hirit ni Ricky sa kanya “Ano naman akala mo sa amin? Kasal-kasalan?”Tanong ni Spencer sa kanya “Bakit hindi ba?” Pabirong tanong ni Ricky sa kanya “Pero seriously, ito na yun. You’re married now, what do you feel?” Tanong ni Ricky sa kanya “Wala pang anim na oras na kasal ako, and you are asking me that?” Balik na tanong ni Spencer sa kanya “Joke lang eto naman, dito na pala ang mga angels natin”Pagbaling ni Ricky sa attensyon sa dalawang babaeng paparating “Hon, ang tagal niyo naman”Pabirong reklamo ni Ricky kay Janelle girlfriend niya at kaibigan din nila “Ang hirap kaya tanggalin ng gown ng babaeng to, ang bigat,, buti kinaya mo siya dalhin buong araw noh?”Tanong ni Janelle kay Chloe “Kasi naman bakit kailangan pa magbihis, si Spencer na dapat bahala dun eh” Pilyong hirit ni Ricky na isang batok lang ang inabot niya kay Spencer “Tara na nga, pagod na rin ako” Putol naman ni Chloe sa usapan at yaya sa kanila. Kinagabihan ay sa hotel na muna sila tumuloy. Pilit sila na pinaghohoneymoon ng mga magulang nila sa ibang bansa pero ang giit nila medyo busy ngayon sa trabaho at tsaka nalang gawin yun pag makaluwag na. Pero ang totoong dahilan, di naman nila kailangan yun. Pagdating sa hotel room ay dumerecho naman si Chloe sa kama. “I’m dead tired!” “Hindi lang naman ikaw, kahit naman ako” Sagot ni Spencer habang hinuhubad ang coat niya at niluluwagan ang tie niya. There was a moment of silence, more of awkwardness between them. Si Chloe na ang nagdesisyon para basagin ang katahimikan na yun. “Magshoshower na muna ako” Bangon ni Chloe sa kama at dumerecho sa banyo Napakamot na lang ng ulo si Spencer at natawa. Habang nagmumuni muni ay napatingin na lang siya sa singsing na suot niya sa kanan kamay. “So I guess this is it, I never thought that I’ll be wearing a ring in this finger my entire life.” Monologue naman ni Spencer. Tumayo ito at lumabas sa veranda para magpahangin. Sa tagal niyang nakatayo dun di niya na narinig na nakalabas na pala ng banyo si Chloe. “Spencer, tapos na ako. Ikaw di ka magshower?” Tawag naman ni Chloe sa kanya Napalingon si Spencer sa pagkakatawag sa kanya, nagulat pa ito ng makita na nakabath robe lang si Chloe at tumutulo pa ang basing buhok nito. Napalunok pa ito. Dun naman naconscious si Chloe sa titig na ginawa ni Spencer sa kanya “May problema ba?” Tanong ni Chloe sa kanya “Wala naman, sige shower na rin ako” Mabilis naman na sagot ni Spencer sinarado niya ang pinto papuntang veranda at dumerecho sa banyo. Umupo na si Chloe sa may dresser at nagblower nalang ng buhok niya. Tulad ni Spencer, napatingin din siya sa makinang kinang na singsing na suot niya “Tama nga ba tong desisyon na ginawa ko? Hindi ba masyado lang ako nagpadala sa pressure?” Pagmomonologue niya rin Tumayo si Chloe para kumuha ng baso at ng wine. Kaya tamang tama paglabas ni Spencer ay naabutan niya ito na umiinom. “You’re drinking” Medyo may halong pagsaway ang tono nito “Don’t over react wine lang to, di ako malalasing” Sagot ni Chloe sa kanya “Kahit na wine lang yan it has still alcohol” Sagot ni Spencer sa kanya “Huwag masyado OA. Ayos lang ako” Sagot ni Chloe sa kanya “The answer is still no” Simpleng sagot ni Spencer sa kanya at kinuha ang baso at bote ng wine mula sa kamay niya Para naman batang inagawan ng candy ang itsura ni Chloe, pero di naman nagpatinag si Spencer dito. It’s better that way. He knows how worse Chloe can be under the influence of alcohol. “Itulog mo na lang yan. and don’t you dare sneak away with that” Binalaan naman siya ni Spencer Chloe just pouted. “Fine, so paano ang set-up natin tonight?” Tanong ni Chloe sa kanya “Sayo ang kama, dito na ako sa sofa bed?” Derechong sagot ni Spencer “Sigurado ka? Pwede naman palit tayo dahil mas malaki ka at mas mahihirapan ka sa sofa bed” Suhestyon naman ni Chloe “Thanks for the offer pero wag na.” Pagtanggi naman ni Spencer “Nako sa akin ka pa mag gentleman-gentlemanan, wag ka na makulit dito ka na dyan na ako” Sagot ni Chloe at tumayo na sa kama para kunin ang gamit niya at ilipat sa sofa bed. Sinalubong naman siya ni Spencer at hinawakan sa magkabilang braso para pigilan. “Wag na makulit, ikaw na dyan. I can manage. Mamaya sabihin nila inaapi ko pa asawa ko” Pabirong hirit nito sa kanya “So gusto mo ako lang ang nangaapi?” Taas kilay na tanong ni Chloe Isang malakas na tawa ang sagot ni Spencer “Pwede rin, pero hindi talaga ayaw ko mahirapan ka ok? So dun ka na” Mahinang tulak pabalik ni Spencer sa kanya sa kama “Sigurado ka talaga?” Tanong ulit ni Chloe. “Oo nga ang kulit..” Kurot ni Spencer sa ilong ni Chloe. Ganun na lang dumaan ang unang gabi nila bilang Mr. and Mrs. Spencer Lim. For the following 12 months hindi naman sila nahirapan na magpanggap bilang magasawa dahil dati pa naman ay ganun na sila kung tignan. Sweet naman talaga sila sa isa’t-isa. Alagang alaga naman si Chloe kay Spencer. They are not bestfriends for nothing.  Pero yun nga lang, talagang kulang lang ang formula nila bilang mag-asawa.  Kumpleto na nga nila halos ang mga wedding vows….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD