It's Official!

695 Words
Dumaan ang isang linggo na pilit ko syang iniiwasan, wala akong chat, text or calls na sinagot, sa oras ng trabaho ay minabuti ko na lang na i-off ang cellphone ko at mabuti rin na onsite ako para malibang kaysa work from home at mag-isa. Sa office nga ay madami ang nakakahalata sa lungkot ko dahil masayahin ako. Pero ewan ko ba pagdating sa heartache ay hinde ko talaga kayang hawakan. Ito ang kahinaan ko, ang mainlove. Minsang pauwi ako at naglalakad sa sakayan ay may biglang humablot at yumakap sakin. Sisigaw na sana ako ng bigla nyang takpan ang bibig ko. Babe ako to. Si Rene ito. So napatigil ako sa pagpupumiglas. Miss miss may problema ba? Sabi ng mga suki kong driver ng tricycle sa pilahan. Ah brad wala, kakausapin ko lang yung girlfriend ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Girlfriend? Anong girlfriend? Tara na babe, sabay hawak sa kamay ko at akay sa van. Sakay na. Inalalayan nya ako makasakay sa van at kinabitan ng seat belt. San ang sa inyo at ihahatid kita? Naku masikip ang daanan dun kaya sa kanto lang ako bumababa tapos nilalakad ko na lang. Wag mo na ko ihatid, Ano bang sasabihin mo at sasakay na lang ako ng tricycle pauwi. Hinde na, ihahatid kita hanggang kanto. Wag na nga. Ihahatid nga kita, wag matigas ang ulo mo babe. Babe ka ng babe. Kanina ka pa Mag-usap muna tayo, please wag ka ng magalit. Hinde naman ako galit sayo. Hinde? Eh anong ginagawa mo, hinde mo ko kinakausap, iniiwasan mo ko. Mataas na boses na sabi nya. Bakit ka ba naninigaw. Bababa na nga ako. Umuwi ka na. Mag-usap muna tayo sabay hatak sa akin at yakap. Hinde ko napigilan ang sarili ko at napaiyak ako. Shhhshhh tama na. Andito naman na ako. Wag ka ng magalit sakin. Sorry sorry tahan na. Halika muna sa bahay ko mag-usap muna tayo please. Bahay mo? Gago ka ba? Bakit mo ko dadalin dun? Shhh babe may bahay akong solo ko, ako lang ang nakakapunta dun. Pag gusto ko mag-isip dun ako nagpupunta. Tahimik lang ako habang daan, napansin kong prang nsa Manila area na kami. Sa Espana. Maya maya ay tumigil na ang van sa harap ng isang bungalow style na bahay. May sariling gate. Di naman kalakihan. Bumaba sya at binuksan ang gate. Pagpasok ng van ay inalalayan nya ko bumama. Pagkatapos ay isinara muna ang gate bago buksan ang main door. Maupo ka muna. Gusto mo ba ng kape? Grrrhhhghgh biglang angil ng sikmura ko. Gutom ka na, anong gusto mo kainin? Kahti ano, ano bang meron sa stock mo. Matabang kong tugon. Hmmmn bihira lang ako dito kaya walang masyadong stocks pero alam ko may shrimp pa sa ref. Ok ba sayo yon? Ok na yon. Ako ng magsasaing. Hinde na pahinga ka lang dyan at ako ng bahala sayo. Kumakain ka ba ng pork and beans? Oo minsan. May masarap na luto sa hipon, pag may kasamang pork and beans. Ipapatikim ko syo. Pahinga ka lang dyan sabay dukwang sa akin at halik sa noo ko. Papawiin ko tonight ang lahat ng galit mo. Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya pero hinde ko makuhang magtanong. Nanatili na lang ako sa sofa habang hinihintay syang magluto. Naamoy ko ang bango ng niluluto nya. Babe the table is ready, let's have late dinner, ilang araw na din akong hinde nakakain. Pumayat na tayong dalawa, pero tonight wala munang diet ok. Tahimik lang kami habang kumakain, lalo na ako kasi hinde ko alam san patungo ang pag-uusapan daw namin ngayon, Oh God, please help me with this mess. Ano po ba itong pinapasok ko. Nagustuhan mo ba? pukaw ni Rene sa atensyon ko. Masarap naman, kakaiba. Siguro lang nasanay na ako na hinde kumakain ng madami. Kumain ka kasi para may lakas ka mamaya. Namilog ang mga mata ko habang ngtatanong. Sya naman ay tawa lang ang isinagot sakin. Babe mula ngayon tayo na ha.. Please. Ayaw ko ng ulitin mo yung ginawa mo sakin. Nakakabaliw. Agad, ganon lang tayo na? Ikaw na ngdecide, alone? Bakit ayaw mo ba? Di naman ako nakasagot pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD