Boss eto na yung orders ni madam
Thanks Rommel.
Ito yung resibo, gcash mo nalang ulit. Uuwi na ba kayo nyan?
Oo eh kasi maglive pa ko later so iready ko mga gagamitin.
Ah sige sa may Pasong Tamo kayo di ba? Sabay na kayo sakin.
Po? Pauwi ka na ba?
Oo. Rommel naibaba na ba lahat ng halaman?
Oo boss ok na.
Cge aalis na ko. Kayo ng bahala dito. Buhatin mo na yan sa sasakyan, isasabay ko na sila.
Boss? Di ba sa Calumpit ka pupunta?
Oo nga so idadaan ko na sila sa Pasong Tamo.
Ah so ililiko mo na muna ng konti. Nakangiting biro ni Rommel.
Anong ililiko sinasabi mo? Nakaunot ang noo na tanong ni Rene.
Ah wala wala boss. Sige baka hapunin kayo.
Puro ka kalokohan.
Madam sige po bye bye na. Text kita mamaya.
Bakit text mate ba kayo? Sabad ni Rene.
Hinde naman, tugon ko. Magtetext daw siya pag may bagong halaman pero sayo ko gusto bumili kasi dinidiscount mo ko, kay Rommel mahal eh.
Ah ingat ka sa mokong na yan, daming text mate nyan.
Naku madam si Boss walang text mate. Sabay kindat. Boss ibigay mo na number mo dali na.
Ah eh, busy naman ako sa work wala akong panahon sa text mate.
Akin na yung cp mo madam, isave ko. Pag may time ka sa knya ka mag inquire ng halaman.
Ah good idea Rommel gwapo. Sige ito pakisave.
Gwapo? Tanong ni Rene.
Ako ng magsave ng number ko. Ikaw ba anong number mo.
Ito boss oh sabay pakita ng number sa cp ko. Pakisave na dn po number mo. Pakilagay po buong name pati surname po. Kasi gusto ko kumpleto pag nakasave sakin number.
Rommel Gwapo ha. bulong ni Rene
Gwapo daw kasi surname nya. Sagot ko.
Tara na nga at ng makauwi na kayo.
Sige tara na, Ate Gina tara na.
Sasabay ba tyo? Sagot ni Ate Gina.
Sumabay na kayo dahil madadaanan ko naman yung Pasong Tamo, sa Mindanao kasi exit ko.
Ay sayang may live tayo, sama sana tayo sa Bulacan. Excited na sabi no Ate Gina.
Oo need natin kumita.
Next sama kayo tsaka sa Silang.
Sa sasakyan.....
Single ka pa Emy?
Oo boss ikaw ba?
Married na pero malapit na maging single.
Po? Bakit?
May sakit kasi si misis sa kidney so 3x a week na yung dialysis nya, medyo magastos din.
Ah sorry to hear that boss. Anak po?
Meron isa lalaki, binatilyo na nsa 15 na.
Ah malaki na po pala.
Oo, pero di kami masyado close lagi kasi ako busy sa halaman at sa opisina.
Ah nagooffice ka pa kahit may negosyo ka?
Eh minsan kasi mahina kita sa halaman.
San po kayo pumapasok.
Events coordinator ako sa Senate Office.
Wow bigatin ka pala.
Di naman pero malaki kasi raket dun dhil pag kailangan ng bulaklak dun sakin ko na kinukuha dagdag raket din.
Ah tama lang kaysa umangkat ka pa sa labas noh.
Kaya nga.
O malapit na kayo bumaba ingat na lng. Itxt na lang kita later.
Sige boss ingat ka din sa byahe. Salamat sa discount at paghatid.
Thank you, singit din ni Ate Gina.
Ate pagbaba, ikaw na magbitbit ng isang box sakin ung isa.
Sige. sige.
Boss dyan na lang kami sa kanto may sakayan na ng tricycle dyan.
Dyan na ba kayo? Ipasok ko na sa loob.
Di na po, dyan nalang. Thank you at ingat po.
Ingat din kayo. Text ako mamaya.
Sige boss.
Sabi sakin ni Rommel kanina, may tama daw yata sayo si boss kasi daw laki ng binigay sayong discount at nakangiti daw palagi sayo eh lagi daw serysoso yon.
Naku, eh may asawa yon at anak. Pamilyado.
Eh di ba sabi nya malapit na sya maging single.
Eh nako nako. Ikaw talaga Ate Gina.
Kuya kuya sa kanto lng. Tara na Ate Gina magmadali na tayo.
Naku naku iniiba usapan.
Weeehhh kasi di naman talaga pwede.
Pwede yon. Malay mo bigla madedo yung asawa.
Pssst pasaway ka. Sabay tawa.