Dahil sa sama ng loob ay naisipan ko na muna na umuwi ng province, may internet lines na din naman dun kaya pede ako mag work from home dahil January pa naman ang aking onsite schedule.
Friday night, dumaan muna ako sa bahay pagkagaling sa office at bumiyahe na ko pauwi sakay ng aking motor ng may dalang lungkot dahil sa Sunday, December 18 ay ang aming first anniversary na alam kong ise-celebrate kong mag-isa. Isang malaking bagpack ang itinali ko sa likod ng motor para hinde ako mahirapan magbitbit sa likod. Nakakangawit at isa pa baka mawala ako sa focus. First time ko itong umuwi ng nakamotor.
Hinde na dn ako nag-abala pang magsend ng message sa knya dahil kahit Friday ngayon ay alam kong hinde sya makakadating dahil Christmas party bukas at busy sya sa pag-aasikaso. Minsan ay nakakasawa din maghintay.
Alas nueve ng gabi ng dumating si Rene sa bahay ng madilim. Napakunot ang nuo nya ng makitang nakalock ang gate. Ipinasok nya muna ang sasakyan at binuksan ang bahay.
Nasan kaya ang babaeng yon? Kinuha nya ang cellphone at nagdial, unreachable. Bigla nyang naalala yung sinabi sa kanya na magbabakasyon ito.
Babe, I'm here, where are you? Umabot ng ilang minuto ay walang reply. Nagcheck ako ng sss messenger pero hinde online kaya naisipan ko icheck ang profile. Walang post. Bigla ang kaba sa kanyang dibdib, kaya naisipan nyang icheck ang mga damit at nandito pa naman.
Iniikot nya ang bakuran ng madinig nya ang ugong ng motor..
Boss, andito ka?
Bakit eh bahay ko ito. Ikaw bakit ka nandito.
Tinawagan ako ni madam kanina, sabi nya nagmamdali na sya kaya hinde madidiligan halaman kaya pinapunta ako.
San daw ba pupunta?
Sa probinsya daw nila.
San yon?
Ay, yun lang, di ko alam.
Di mo na itinanong?
Hinde, sabay iling. Ibinilin din nya ang inventory book na ibigay ko daw syo. Teka. Sabay bukas ng drawer ng lamesa na nasa may pinto. Ibinilin nya na ako muna ang maginventory ng 2 weeks at ipadala ko na lang daw ang report sa messenger at sya na ang bahala maglog.
Buti ka pa tinawagan.
Eh boss, hinde ka nun tatawagan kasi iniisip nyang magagalit ka. Di ba ang rules, bawal syang maunang kumontak syo?
Bakit kaya wala ang motor dito, siguro iniwan sa pasong Tamo.
Dala boss, pinipigil ko nga o kya sabi ko ihahatid ko na lang. Kaya naman daw nya.
Ay makulit talaga yung babaeng yon. Kelan daw babalik?
Pinagmamasdan lang ni Rommel si Rene at nakikita nya ang pag-aalala sa mukha nito.
Walang sinabi boss pero parang naiiyak nga nung kausap ko kanina tapos tinanong ko kung bakit sya umiiyak, sabi nya nalulungkot lang daw sya kasi ang dami daw okasyon at sya lang mag-isa.
Sabi ko papuntahin na lang si Ate Gina pero umuwi daw kasi ng Zambales. Tapos sabi nya pala na anniversary nyo daw pero wala ka daw, pero naiintindihan ka naman daw nya. Mahal na mahal ka talaga ni madam boss noh.
Alam ko, pero wala din akong magawa, kaya nga sumingit ako pumunta ngayon kaso hinde ko na inabutan.
Alas siete pa umalis yon eh, kaso hinde din ako makapunta kasi bukas pa ang garden. Ibinilin nya lang sakin san makukuha susi ng gate, pero wala yung susi ng bahay ha. Gate lang para makapagdilig ako ng halaman.
Sige magdilig ka na.
Alas onse ng gabi ng makadating ako sa Cabanatuan kung saan ang aking probinsya. 2 weeks ako mamalagi dito at dito ako magcelebrate ng Christmas at New Year. Ang mga regalo ko ay ipina LBC ko na lamang kaninang umaga, mga Monday malamang ay nandito na yon.
Tao po, tao po... katok ko sa pinto dahil sa ganitong oras ay tulog na sila. Lalo kong nilakasan ang pagkatok gamit ang bato.
Tao po.. Tao po.
Sino yan? nadinig kong sabi ng tao sa loob.
Ako to si Ems.
Ate Ems? sabay kong nadinig ang mabilis na yabag at pagbukas ng pinto.
Hi... nakangiti kong bati.
Ateee... sabay yakap ng pinsan kong si Regine.
Sino ba yan? bungad ng Tyo Rey.
Si Ate Ems po tay, sagot ni Regine.
Oh, napasugod ka, pasok, kumain ka na ba?