After lunch.
Babe sama ka sakin?
Hmmmnn san?
Sa Bulacan tsaka sa Silang. Kukuha lang naman ako ng benta. Mabilis lang yon, pero ako lang ang bababa at dun ka lang sa pick-up, ok?
Sige sama ako.
Boss ako din sama, nanlolokong sabat ni Rommel.
Gago... sagot lang ni Rene at sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Rommel. Sabay hila sakin ni Rene at hinde na binibitawan ang kamay ko.
Ingat boss sa pagdrive, Ingat madam.
Nasan ang susi mo? Akin na.
Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin lang sa kanya.
Ah Rommel mamayang alas nueve pagkasara mo dito, pakihatid mo yung motor sa Manila.
Sa pinuntahan natin dati? Di ko tanda yon boss.
Mag waze ka, isend ko syo address mamaya.
Sige boss, kahit street lang, alam ko na pag nasa area na ako.
Sige, alas nueve ha?
Boss, dun ba kayo matulog ngayon?
Dun na sya nakatira. Kaya dun mo ihatid.
Ha? gulat na tanong ni Rommel na may halong panlalaki ng mata. Nagsasama na ba kayo?
Oo, dami mong tanong. Pinalipat ko na sya dun.
Ay ang bilis ni boss, sana all.
Ungas ka, singit ko.
Uy si madam... ahahah habang nang-aasar ang tingin.
Sa daan ay laging nakahawak ang kamay ni Rene sa mga kamay ko.
Babe, ano ba magfocus ko sa driving.
Masaya lang ako kasi nakakasama kita kahit sa ganito lang na pagkakataon. Kamusta ang trabaho mo?
Ok lng. Ikaw kamusta?
Ok lang din.
Alam mo, para may magawa ako sa mga free days ko at time ko, ako na lang ang mag-inventory ng lahat ng supplies mo. Tingin ko kasi kaya lagi kang naloloko dahil kulang ka sa inventory.
Tingin ko nga din.
Ako na lang kuhanin mo, pero may sahod para yung allowance ko na binibigay mo parang fee mo na sa services ko yon. Ayaw ko kasi ng aasa ako sayo so pagtatrabahuhan ko. Tutulungan kita.
Naku, pressure yon baka mahirapan ka.
Ako pa ba Mr. Garcia? Kayang kaya yan ng babe mo. Oh ano payag ka na?
Pag-iisipan ko.
Kaso need ko lahat ng orders mo, mga receipt at mga weekly na nareremit nila sayo.
Pede pede.
Aayusin ko gagawan kita ng log-book na kung saan lahat mamomonitor mo.
So sa pag-inventory need mo sumasa sa site ganun ba?
Yung lang maeexpose ako. Maya maya ay may biglang pumasok na idea sa akin. Ah alam ko na, para hinde tayo paghinalaan. Lagi ko isasama si Ate Gina pag weekends.
Pwede nga. Saturday nasa Bulacan tayo then Cavite pag Sunday.
Yes tama, need kasi nila malaman na may regular inventory para matakot sila. Then, isusubmit ko sayo lahat ng records para makita mo. Di naman ako hahawak ng pera eh, ikaw pa dn naman ang may hawak kya safe ka din na hinde ko itatakbo ang pera mo.
Gaga...
Buong byahe ay puro lang naman kami biruan, at tulad ng napag-usapan ay nasa sasakyan lang ako the whole time.
Nakakpagod din. ako nga nakaupo lang napagod paano pa kaya na sya ay driving at busy sa pakikipag-usap sa tao.
Pagdating namin ng bahay around 7PM ay nakaabang na si Rommel sa gate.
Boss, I'm here.
Sige thank you, teka, bakit ang aga mo?
Nandun si Eric duamting.
Dumukot ng Php300 sa bulsa at iniabot ky Rommel, eto pamasahe mo.
Di na ba ko papasok boss, di pa ako nagdinner.
Akin na yan, sabay hablot ng Php300 at pinalitan ng Php 500. Dun ka na sa labas kumain.
Ahahhaha ayaw paistorbo ha.
Pagbaba ko sa van. Rommel thank you ha. Tara kape ka muna.
Uuwi na yan, singit ni Rene, walang bantay sa tindahan.
Sarado na yun ah.
Baka manakawan tayo dun. Sagot ulit ni Rene.
Aahahhaha, tawa ulit ni Rommel. Salamat madam, tara sige kape tayo.
Pasasok pa lang sa gate ay hinatak na ni Rene si Rommel at binatukan.
Ay madam, yung shop baka manakawan kaya babalik na ako. Possesive lover ang peg ni boss, bulong ni Rommel ky Rene.
Gago.. Sabay amba at ilag ni Rommel.
Ahahhaha joke lang eh, di mabiro. Bye madam, sabay talikod ni Rommel.
Babe, anong gusto mo dinner?
Bahala ka na.. Papahinga muna ako dito sa sala ha.