Syempre hinde natapos ang gabi ng walang love making.
2AM ng ginising nya ako para bumiyahe paluwas dahil Martes ngayon at may pasok, nagkataon na onsite ako ngayong week.
Past 4AM lang ng dumating kami sa bahay dahil mabilis lang ang byahe. Naghanda muna ako ng kape at toasted bread.
5AM naman ng magsimula na din kami maghanda sa pagpasok.
Babe ihahatid muna kita ha tsaka uuwi muna ko ng bahay.
Wag mo na ako ihatid dahil mapapalayo ka pa. Pede naman ako magbyahe mag-isa.
Sinabi ko na nga na wag ka magmotor eh. Kulit mo.
Maingat naman ako magdrive babe.
Nga pla babe wag mo ng uulitin yung aalis kang di ko alam kung nasaan ka.
Hmmnn depende sa sitwasyon.
Ano? nakakunot noong tanong ni Rene.
Babe sige na uwi na. Kaya ko na to. Nilapitan ko sya at niyakap. Thank you babe. I love you. Sabay kiss ko sa labi.
Sure ka?
Yes po. Ingat ka.
Ikaw din. Tawagan kita mamaya ha.
----------------------------------
Rene's POV
Around 5AM ng makapark ng sasakyan. Hinde ko alam na nasa Veranda pala si Myla at magdamag nag-antay sakin habang umiiyak.
Pagpasok ko ng room at nakita kong wala sya sa higaan at natagpuan kong nakaupo habang nakatanaw sa labas.
Bakit ngayon ka lang?
Nag-ikot ako.
Sinong lolokohin mo? Mahinang tugon nito.
Mahamog dyan, dito tayo sa loob mag-usap. Binuhat ko si Myla pero nanlalaban ito at puro sampal ang inabot ko.
Hinde ko naman pede patulan kaya tinatanggap ko lang lahat ng pananakit nya at pagmumura.
Hayop ka, tumawag ako sa mga pwesto pero ni isa dun wala ka. San ka nagpunta?
Sa barkada.
Barkada? Ginagago mo ba ako? Sinong barkada at tatawagan ko?
Bakit pa? Eh hinde ka naman din maniniwala.
So umamin ka din na may ginagawa kang kalokohan.
Myla ano ba? Hinde ko ba deserve na magpakasaya paminsan minsan? Napapagod din ako. Sa walong taong may sakit ka, dinevote ko sayo ang oras ko. Lahat ng pagsisikap ginagawa ko matustusan ko lang ang lahat ng gastusin mo para matagal ka pa naming makasama di ba.
Umamin ka yun lang ang gusto kong malaman kung meron ka ng iba.
Oo meron. Ano masaya ka na ba?
Put..... mo Rene, hayop ka. Bakit nagawa mo akong lokohin.
Di ba ikaw naman ang nagtulak sakin na maghanap ako ng iba? Di ba?
Oo pero hinde ko pala kaya. Masakit. Hiwalayan mo yan kundi baka pagsisihan mo ano ang gagawin ko.
Sige na tsaka na tayo mag-usap at papasok pa ako.
Si Myla naman ay patuloy lang sa pag-iyak.
Tumigil ka na. Pinapahirapan mo lang sarili mo sa pag-iyak.
Mangako ka na iiwanan mo na sya. Mangako ka.
Hinde yon ganon kadali. Sige na tama na.
Maya maya ay hinahabol na nya ang kanyang hininga. Agad ko syang kinabitan ng oxygen at tinawag ang assistant na tagapag asikaso nya.
Nang makita kong stable na sya ay tsaka ko iniwan pra pumasok sa opisina.
Dahil sa sama ng loob ay di lang iilang beses namin syang isinugod sa ospital.
Rene, nakikiusap ako, hinde ko kayang may kahati sayo. Iwan mo na sya.. Mahinang sabi nya habang nakahiga sa hospital bed.
Tango na lang ang naisagot ko. Pumanatag ka na at bibili lang ako ng pagkain sa labas.
Paglabas ng room ay agad kong idinial si Ems.
Kring-kring kring kring
Hello babe bakit ngayon ka lang tumawag?
Sorry babe, si Myla kasi ilang beses ng pabalik balik dito sa hospital.
Ah ganun ba, sige asikasuhin mo muna sya. Dahil ba sa sakit nya?
Oo pero kasi nalaman nya na ang tungkol sa atin at masama ang loob nya kaya ayon. Iyak lang ng iyak.
Nako babe paano na, anong sinabi mo umamin ka ba?
Oo sinabi ko na din. Kaya babe baka hinde muna kita mapuntahan this week kasi kailangan nya ako eh.
Ah ok wala naman ako magagawa.
Please understand babe.
Yes babe. Sige na naiintindihan ko.
Sige na. Tatawagan kita ulit or sasaglit ako sa bahay ha.
Sige babe, basta lagi mo ako tawagan ha para alam ko yung nangyayari.
Ok.
Ingat ka.
Ikaw din ingat. Lalo sa pagmotor mo ha.
Ok bye.
At binaba ko na ang phone.