Ang Aming Buhay!

647 Words
Isa akong ulilang lubos at lumaki sa pangangalaga ng tyahin na namayapa na din. Mga walong taong gulang ako ng mamatay ang aking mga magulang sa probinsya, wala rin akong kapatid. Pagkamatay nila Inay at Itay kinuha naman ako ng Auntie Bella pra dito na sa Maynila mag-aral. Minsan na din naman akong nagmahal ngunit sinaktan mabuti na lang at maaga pa lang nalaman ko na ang tunay niyang pagkatao. Ngayon nga ay sinasariwa ko na naman ang pangyayari sa buhay ko, ng bigla nalang ay..... Happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday dear Emy. Yehey, thank you guys, thank you. Ngayon ang ika 25th birthday ko at merong kaunting salo-salo pero dahil pandemya, syempre kailangan ang social distancing. Happy birthday sistah, hugs hugs sabay yakap ni Jaklyn sa hangin. Sya yung pinakabestfriend ko dito sa office. Happy birthday Ems, bati naman ng iba ko ding kasamahan habang iniaabot ang cake sakin. Kami ay mga taga Metbank under support group at mga resigned employees ang handle naming trabaho. Napaka stressfull ng environment namin pero kayang kaya at isa na nga ang online selling ng halaman ang isa sa mga stress reliever ko. Pag weekends ay busy ako sa online selling. Umuupa lang ako ng bahay sa Pantranco, 3,000 monthly kaya naman napakaswerte ko, may garahe pa at sariling kuryente at tubig. Siguro kasi ay 10 years na ako ritong nangungupahan at kapitbahay ko nga itong si Ate Gina. I am a Banking and Finance graduate kaya naman madali din akong napasok sa banko, idagdag pa ang angkin kong talino. Sistah, ang lalim na naman ng iniisip mo, puna ni Jaklyn. Naaalala ko lang sina Inay at Itay, gusto kong bumisita sa probinsya. Naku wag ka muna bumyahe dahil uso ang sakit ngayon mamaya mahawa ka eh ang bilis pa naman kumalat ng Covid ngayon. Sabagay nga, tama ka. Pag medyo lumuwag ay samahan mo ko. Umuwi tayo. Ok sige basta weekends ha pra di tayo masyado pagod sa byahe. Oo naman dapat yung long weekends kasi kailangan natin maglinis ng bahay namin dun. Baka napapabayaan na ng mga pinsan ko. kring kring kring O may tumatawag yata sayo. Aakyat na ko ha. O sige. Sabay dampot ko sa cellphone pra sagutin ang tawag ng pinsan ko. O Regine kamusta? Ok naman ate, excited na sagot ng pinsan ko. Ikaw kamusta, ang tagal mo na kasi di tumawag kaya naisipan ko tawagan ka. Happy birthday. Thank you. Ah sorry busy lang. Kamusta ang bahay at ang puntod nila Inay at Itay? Ok naman ate, kanina dumayo ako duon at ngwalis walis sa bahay mo. Lagi ko naman yon pinupuntahan. Naku thank you ha kasi di pa ko makauwi ngayon lalo at uso na naman ang Covid, medyo mahigpit dito. Oo ate baka di ka rin makapasok dito kasi alam mo na pag galing Maynila ay mahigpit pa. Baka ipa quarantine ka pa. Madami na bang kaso dyan? Ah wala naman ate, nag-iingat lang sila. Ah kamusta ang mga tiya at tiyo. Ok naman, medyo nirarayuma ang Itay. Kamusta ang pag-aaral mo ng mga kapatid mo? Ok naman ate. Nandto nga ako sa bayan ngayon pra bumili ng project kya natawagan na din kita. Ah sige sakto, mgpapadala ako ky Aling Wena ng gcash dyan, pkidaanan mo na. Tag 300 kayo ng kapatid mo at ang isang libo ay pkiabot sa Uncle German at ang isang libo ay sa Itay mo. Yung isang 300 ay iabot mo ky Jenny. yung isang daan ay ipamasahe mo na pra di ka mglakad. Bale tatlong libo yon ha. Naku ate salamat ng madami ha. Iintayin namin yung pag-uwi mo. Oo susubukan ko makauwi kaagad. Ingat ka palagi ate. Love you. Love ko dn kayo at magiingat kayo ha. Oo ate salamat ulit. Ok sige. Dahil wala naman pa akong pamilya ay tumutulong dn ako sa mga kamag-anak sa probinsya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD