Episode 8 Guy in the room 1213

1387 Words
Ilang araw kong hinikayat si Ana na tulungan ako sa balak kong gawin. Noong una ay kesyo baka kuripot daw magbayad, hindi niya bet yun lalaki at hindi niya inakala sa isang tulad ko na ipu-push ko pa siya sa isang kliyente. Ipanaliwanag ko sa kanya nang mabuti na kailangan ko ang tulong niya. Kailangan kong mapaghihantihan ang lalaking tatargetin namin. Sukat ba naman buong araw akong tumambay sa appartment niya upang magmakaawa lang tulungan niya ko. Laking gulat ko nang pumayag siya nang makita niya ang litrato ng lalaking aakitin niya, na walang iba kung hindi si Peter Weian Montefalco. Ang pangalawa sa magkakapatid na may malaking atraso sa pamilya ko. "Girl hindi mo kasi pinakita sakin kagad ang picture ni My loves, akala ko naman kung sinong gurang ang magiging kliyente." Wika ni Ana na pakurap kurap pa ang mga matang nakatingin sa larawan ng demonyong si Peter. Nakangiwi ako the whole time habang kinakausap niya ako. Mukhang nagkamali ata ako ng nilapitan. kaso heto na ang chance ko, may paraan na ko kung paano gagantihan si Peter with a little help ng lokaret na babaeng nasa harapan ko. "So ano na kailan na natin siya pupuntahan at saan? Magdamag na ko sa kakatayo sa mga kalye ng Golden City para maghanap ng madatung na Papi. Heto, ikaw lang pala Erin ang daan para matitikman ko na sa wakas ang one of hottest bachelors in our country." Pagkasabi nun una ay nagpagulong gulong ito sa kasama at kilig na kilig kay Peter. Mukhang di niya ata na absorb yun kuwento ko kung ano ang papel sa buhay ko ng demonyong si Peter na yun. "Sa sabado, pero paalalahanan kita Ana. Yun pakay ko is makuhanan ko lang ng scandal photo si Peter at pagkatapos nun ay uuwi na tayo." Paglilinaw ko. "Napakadaling trabaho." She grinned after saying this. Dumating ang araw ng sabado kasalukuyan naglalakad kami sa Midway Street kung saan ko nakasalubong si Peter. Mabuti na lamang at balot na balot ako ng suot kong jacket na itim at bull cap upang maitago ang pagkakakilanlan ko. Samantalang si Ana  naman ay agaw-pansin siya sa hapit sa buong katawan niya ang suot na strap satin mini dress na hanggang hita lang. Halata sa itsura niyang isa siyang prostitute. Naupo muna si Ana sa isang bakanteng table sa labas ng restaurant, intended para sa mga naghihintay na costumer. Palinga linga naman ako sa paligid upang matyagan si Peter. Tulad ng isaasahan ko ayon sa impormasyon na ibinigay sakin ni Tito Roger, narito na namang muli si Peter upang mag pick up ng babae. Kakapark lang niya sa tapat ng isang car shop ng mga mamahaling sasakyan. Nagulantang ako nang makita kong tumayo agad si Ana para salubungin si Peter. Napakagat labi ako sa inis dahil sa ginawa ni Ana. Hindi na siya makapaghintay at kaagad na nilapitan si Peter. Papalpak ata itong plano namin. Nagdarasal ako ng taimtim habang pinanunuod na nag-uusap ang dalawa. Tumalab naman ang ginagawang pang-aakit ni Ana kay Peter, kitang kita ko kung paano matakam ang demonyong yun nang tutukan niya ng tingin ang halos luluwa ng dibdib ni Ana. Matapos na mag ngitian ay magkasama na ang dalawa patungo sa kung saan. Tamang distansya lang ang ginawa ko para masunda ko sila ni Ana. Hanggat maari ay hindi ako puwedeng makita ni Peter. Pumasok sila sa isang Luxury Hotel at dali-daling pumasok sa elevator. Iniwasan kong mapansin ako ng mga nasa reception kaya nakapasok ako kaagad sa elevator. Habang nasa elevator ako ay hinihintay ko si Ana na magpadala ng mensahe sakin kung saan  floor sila tumigil. Sa sobrang tagal ng pahihintay ko ay nakarating ako sa pinakamataas na floor. Message beep... Laking pasalamat ko at same floor lang din pala kung nasaan naroroon sila Ana at Peter. "Room 1214." Mahinang basa ko sa message sakin ni Ana. Paano to? 12 yun twelveth floor 4 siguro yun room bahala na. Pagkalabas ko ng elevator ay hinanap ko sa mga pinto ang Room 1214. Napansin kong may tatlong pasilyo sa floor na ito. Una kong pinuntahan ang unang pasilyo. Napahinto ako nang may makita akong tatlong lalaki ang mga nakasuot ng black suit. Kung hindi ako nagkakamali mga bantay sila ni Peter. Naloko na paano ko makakapasok sa luob ng kuwarto ni Peter. Hindi rin maaring papapasukin ako ni Ana, tiyak na pipigilan kami ng mga escort ni Peter. Magmula sa kinatatayuan ko nakatapat ako sa room 1211. Napayuko pa ko ng mapagmasdan ako ng isa sa mga escort ni Peter. Problema ito paano ako makakapasok sa kuwarto ni Peter. Nakakainis, nakakainis! Ano na kaya ang ginagawa ni Ana sa ngayon. Sana maisipan niya na lang na kuhanan nang nakahubot hubad si Peter kapag gumana ang pampatulog na nilagay ko sa lipstick na gamit niya. Pero kung hindi gumana utak ng lokaret na si Ana baka pati siya makatulog sa lampungan nila ni Peter. Dapat si Peter lang ang makatikim ng pampatulog na nakamix sa lipstick. Wala sanang problema kung may madadaanan lang ako dito kahit tumulay pa ko sa alambre, makalasok lang sa kuwarto. Nagpadala ako ng mensahe kay Ana na narito ako sa pasilyo. Sa gitna ng pag iisip ko ay bumukas ang pinto ng room 1213. May isang hotel staff ang lumabas bitbit ang mga laundry ng occupant. Hindi automatic na nagsara ang pinto matapos umalis ang hotel staff. Naalala ko mula sa labas nitong Hotel ay mga mga balcony bawat room, tama doon ako tatawid para makapunta ako sa room 1214. Dahan dahan akong pumasok sa room 1213. Inilibot ko kagad ang mga mata ko sa loob ng hotel room na ito. Pagdako ko ng paningin sa gitna, natuwa ako ng may sliding door papunta sa balcony. "Hey who are you? What are you doing here?" Isang baritonong boses na may taglay na nakakaakit na tinig na gumulat sakin. Napatalon ako ng bahagya nang lingunin ko siya. Isang matangkad na lalaki ang sa tantya ko'y nasa 5'10 ang sukat ng taas, guwapo, napakatangos ng ilong, mapupula ang labi kulay Brown ang kanyang buhok at mga mata. "Magnanakaw ka nuh?" Saad ng lalaking may matipunong katawan na tanging towel lang ang takip sa baywang niya. "Excuse me, hindi kaya!" Giit ko. "Do you think maniniwala ako sayo, itaas mo ang kamay mo baka may dala kang baril." Utos sakin ng lalaking napakaguwapo. "Bilis!" Sigaw niya. "Wala akong dala kahit ano, cellphone lang itong hawak ko." Saad ko habang umaangat sa ere ang dalawang kamay ko. "Talikod!" Utos niyang muli. Sinunod ko naman ang sinabi niya ngunit pagharap  ko ay nakita ko siyang nagdidial na sa telepono. "Hoy teka lang, nagkamali lang ako ng pasok sa loob dapat talaga sa room 1214 ako." Paliwanag ko. "Guest ka sa kabilang kuwarto?" Kunot noo niyang sabi. "Oo, puwede bang dito na lang ako sa balcony tumawid para makapunta ko sa kabilang room?" Inapura ko na ang pagpapaalam ko dahil baka wala na kong maabutan na sa kabila. "Come again? Are you out of your mind tatawid ka kamo sa kabilang room, You cant fool me. You are up for something kaya ka pumasok ka pumasok sa room ko!" Napaawang tuloy ang bibig ko dahil mas lalo pang nalagay sa alanganin. Mas lalong hindi naniwala sakin ang lalaking tumatawag ulit sa telepono. Dahil doon ay wala na kong paraan kung hindi ang atakihin ang lalaki. "O, o, o ano binabalak mo?" Tarantang tanong niya sakin. Wala akong mahawakan matigas na bagay para magamit kong pang pukpok sa kanya kaya wala sa isip kong hinalikan ko sa labi ang lalaki. Napapikit at kunot noo na lamang ang naturang lalaki habang inaabot ko ang labi niya. Kabaliktaran ko na dilat na dilat ang mga mata ko hoping na mapakalma ang lalaki. Ilang saglit pa ay naramdaman kumikibot ang kanyang labi kasabay ng pagsagap niya ng hangin sa ilong. Seryoso na mukha niyang ninanamnam ang mga labi ko. He was kissing me so gently, while his hand slowly slinding in my arms. Langhap na langhap ko ang samyo ng kanyang bagong paligong katawan. I cant control him his pushing his head near to me while his pulling me closer to his body. Ilang segundo ay dumadantay na sakin ang kanyang hubad at nagiinit na katawan. Finally nagtagumpay akong mapahinahon ang lalaki pero yun ang inaakala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD