"Chapter 32" Sha-Sha's POV: "Ano Hon lets go?" Yaya ko kay Aleck. "Hindi ka na magpapalit ng swimsuit?" Hindi makapaniwalang tanong nya. "Hindi na. Wala na rin namang oras eh. Mamaya uwian na rin naman." Nakangiting sagot ko. Pero white lies yon. Hindi naman kasi ako manhid. Alam kong ayaw nya na suotin ko iyon. Ramdam ko na ayaw nya ng mga ganun ka-daring na damit. If I need to adjust, fine. Gagawin ko iyon para maging maayos ang pagsasama naming dalawa. Ganun ko sya kamahal. Ganun sya kahalaga sa akin. "Okay na ba sa'yo itong suot ko? O ayaw mo rin nito?" Tanong ko. Maganda na yung malinaw ang usapan para walang hassle, walang away. "Hmmm... Pwede na yan. Pero mag-short ka ha, baka makitaan ka eh." Sagot nya. Pssshhh... Sabi ko na eh... Napa-iling na lang ako ng pasimple. "Hon

