CLARA: OTSO

1301 Words
"Happy Birthday Clara" Masayang bati ni Chio kay Clara pag kalabas nito sa kanyang kwarto. Lumapit siya sa dalaga at niyakap niya Ito. "Salamat Chio pero pwede mo ba akong bitawan hindi na ako nakahinga oh." Sabi niya habang pinagpapalo ang kamay ni Chio. Sabay silang pumunta ni Chio sa hapagkainan para mag almusal. "Happy Birthday Iha." Sabi ng ina ni Chio tyaka siya niyakap. "Salamat po Tita." Magalang na sabi ni Clara. "Happy 18th Birthday Clara." Sabi ng ama ni Chio. "Salamat din po Tito." Nakangiting sambit ni Clara. Sabay sabay silang kumain ng agahan. Pagkatapos ay naligo na si Clara at Chio para pumasok sa paaralan ng maaga. Tahimik na hinihintay ni Clara si Chio sa sala. "Kahit kailan talaga ang bagal kumilos ni Chio." Sabi ni Clara na naiinip na kakahintay. Habang hinihintay ni Clara si Chio ay lumapit ang Ina nito tyaka inabot ang pera. "Clara Happy 18th Birthday." Sabi ng ina ni Chio. "Tinatanong kasi kita kung anong gusto mong mangyari kapag debut mo. Ayaw mo naman mag salita, kaya naisipan kung itreat mo na lang mga friends mo." Nakangiting sabi pa nito kay Clara. "Salamat po Tita." Sabi ni Clara tyaka niya niyakap ang Ina ni Chio, bakas sa mukha ni Clara ang hiya dahil sa pag bigay nito ng pera. Sa totoo nyan ay balak ni Clara gamitin ang ipon nito para ilibre na lang ang kanyang mga kaibigan mamaya pag katapos ng kanilang klase. Nahihiya kasi siya kapag may birthday party pa ang kanyang kaarawan at gastos lahat ng magulang ni Chio. "Tara na Cla" Biglang tawag ni Chio kaya naman ay nag paalam na sila sa magulang ni Chio at sabay pumasok. "Ano plano mo mamaya?" Tanong ni Chio kay Clara. "Treat ko na lang kayo." Sabi ni Clara kay Chio. Pagkarating nila Chio at Clara sa kanilang paaralan ay bigla silang sinalubong nila Trexie at Samira. "Clara Happy Birthday!" Sigaw ni Trexie habang tumatakbo papalapit kay Clara. "Salamat Trex." Sabi ni Clara kay Trexie tyaka siya niyakap nito. "Happy Birthday Clara." Bati naman sa kanya ni Samira. "May gift kami sayo." Biglang sabi ni Trexie kay Clara. "Pero mamaya na namin ibibigay." Dagdag pa nitong sabi habang tumatawa. Sabay sabay silang naglakad papunta sa kanilang Classroom. Pagkarating nila ay bigla siyang binati nila Ian at Edison. "Thankyou guys. Mamaya pag katapos ng klase pwede ba tayong mag eat sa La Carinderia? Treat ko kayo." Sabi ni Clara kaya naman napatingin sila Edison sakanya. "Oo naman kita na lang tayo roon. May meeting pa kasi mamaya sunod ako." Sabi ni Edison kaya naman tumungo na lang si Clara sa kanya. Pagkatapos ng kanilang klase sabay na pumunta sa isang Resto si Clara, Samira at Trexie. "Asaan na ba mga yun? Bat ang tagal nila." naiinip na sabi ni Samira habang pumipili ng kanyang kakainin. "Papunta na raw si Ian at Edison." Sabi ni Trexie habang nag cecellphone. "Clara anong sabi ni Chio sayo, bat wala pa siya?" Tanong ni Samira kay Clara. "Sunod na lang daw siya kasi pinatawag siya ni Sir Eser." Sabi ni Clara. "Sorry guys ang tagal kasi ng meeting namin" Hinihingal ng sabi ni Edison kaya naman napalingon sila Clara sa'kanila ni Ian. "Ok lang si Chio?" Tanong ni Clara kay Edison at Ian. "Hindi ko alam, hindi naman siya pumuntang SSG office. Akala nga namin nauna na siya rito." Sabi ni Ian tyaka siya umupo. Isang oras na ang nakakalipas hindi pa rin dumarating si Chio. Kaya naman nag pasya na lang silang kumain kahit wala pa siya. "Happy 18 Birthday Clara. Let's take a picture." Sabi ni Trexie habang hawak hawak niya ang Camera. Kumuha siya ng ilang litrato tyaka niya inabot ang kanyang regalo. "For sure magugustuhan mo ang regalo ko sayo." Nakangiting sambit ni Trexie kay Clara. "Ito ring gift ko. Happy 18th Clara." Sabi naman ni Samira. Ibinigay din ni Ian at Edison ang kanilang regalo. Bakas pa rin sa mukha ni Clara ang lungkot dahil hangang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Chio. "6pm na guys bakit wala pa rin si Chio." Nagtatakang tanong ni Samira. "Sorry late." Sabi ni Chio biglang napalingon sila kay Chio. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ian. "Nag bike lang kasi ako tapos ang daming pinagawa sakin ni Sir." Nakakamot niyang sagot. Lumapit siya kay Clara tyaka niya kinalabit ang likod nito. "Cla, Sorry." Malungkot niyang sabi. "Kumain ka na ba?" Tanong ni Clara at hindi pinansin ang kanyang sinabi. "Hindi pa." Sabi ni Chio. "Anong gusto mo?" tanong ni Clara sa kanya. "Halika may pupuntahan tayo." Sabi ni Chio at bigla kinuha ang gamit ni Clara tyaka niya ito hinila. "Hoy teka!" Natatarantang sabi ni Clara. "Wag kang mag aalala nagiwan na ako ng pambayad. Guys mauna na kami!" Sabi ni Chio. "Sakay ka na Cla." Sabi ni Chio kay Clara. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong naman nito. "Basta." Maikling tugon ni Chio tyaka siya nag bisikleta. Matapos ang isang oras ay nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. "Nasaan tayo? Ang ganda kitang kita ang mga niyog." Sabi ni Clara. "Coconut Mountain View." Maikling sabi ni Chio. Dahil sa liwanag ng buwan kitang kita ni Clara ang mga Niyog. Umupo si Clara at Chio at tinatanaw ang magandang tanawin. Habang nakatanaw si Clara sa magandang tanawin biglang may inabot si Chio sa kanya. "Ano Ito?" tanong niya habang binuksan. "Regalo ko sayo." Sabi niya. "Ang ganda." Gulat niyang sabi pagkabukas niya sa regalo ni Chio. Isa itong kwintas na hugis bituin ang nasa gitna. "Salamat Chio." Malambing na saad ni Clara. Kinuha ito ni Chio at niya isinuot kay Clara. "Ang ganda talaga." Sabi ni Clara habang hawak hawak nito and pendant ng necklace. Bumalik sa kanyang upuan si Chio at tumingin ulit sa paligid. Tahimik silang dalawa ni Clara habang pinagmamasdan ang liwanag ng bituin at pagsayaw ng mga dahon ng niyog. Habang pinagmamasdan ni Clara ang paligid, bigla siyang napatingin kay Chio dahil nag strum Ito bigla ng kanyang dalang gitara. "Sa'kin nakatingin Parang lumilipad nailing sa hangin 'Di na mapakali Ikaw lang naman ang ninanais 'Di ba nalilito ang puso mo kung saan na papunta? Sa akin ba sinta?" Kanta ni Chio habang nakatitig siya kay Clara. "'Wag mo sanang isipin Na parang wala lang sa'kin Ang lahat nating pinagsamahan" Nakangiting kanta ni Chio para kay Clara. Habang kumakanta si Chio hindi maiwasan maalala ang mga pinagsamahan nila ni Chio. "Isasayaw kita Na para bang ito Na ang panghuli Natin sinta 'Wag kang mag-alala 'Di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita0 Sa dulo ng ligaya" Mga ala ala nila noong bata pa sila. Kung paano siya ipagtangol ni Chio sa mga umaaway sa kanya. '"Di pa ba halata Na iba ang ihip ng hangin dito? Kung pwede lang sabihin Ng diretsahan ang aking gusto Teka ang bulag mo naman Kung 'di parin na sisilayan Nagbago na ang pagtingin 'Wag mo sanang isipin Na parang wala lang sa'kin Ang lahat nating pinagsamahan" Kung paano siya tulungan ni Chio sa mga aktibidad nila. "Isasayaw kita Na para bang ito Na ang panghuli Natin sinta 'Wag kang mag-alala 'Di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita Sa dulo ng ligaya" Kung paano siya iniingatan nito at turuan sa mga bagay na hindi niya alam kung papaano gagawin. "At ang oras ay tumatakbo 'Di pa rin alam kung gusto mo rin ako" Napatitig si Clara kay Chio dahil sa kanyang pagkanta. "Isasayaw kita Na para bang Walang nakatingin S'atin sinta 'Wag kang mag-alala 'Di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita Isasayaw kita Na para bang ito Na ang panghuli Natin sinta 'Wag kang mag-alala 'Di kita hahayaang mag-isa Sasamahan nga kita Sa dulo ng ligaya" Huling kanta ni Chio sa huling liriko, tyaka siya tumingin siya kay Clara na nakatitig kay Chio. "Magandang Kaarawan sa'yo Clara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD