Tahimik na nakikinig sa leksyon ng guro si Clara. Dalawang linggo na ang nakakalipas ng makasali siya sa music club. Dalawang linggo na rin sila nag e-ensayo ng kanilang kakantahin para sa nalalapit na event sa kanilang paaralan. Naging malapit na rin si Clara sa'kanila Edison at Ian. Minsan ay magkasama silang apat at sabay sabay kumain ng meryenda sa Canteen. Sabay din silang umuuwi at nag tutungo sa library para mag review kapag may pagsusulit. Nagtulong tulong din silang apat gumawa ng kanilang proyekto na ipinasa nila sa guro noong nakaraang linggo. Naging komportable na rin kay Clara na makasama ang kaibigan ni Chio, ngunit hindi pa rin maiiwasan na kainisan siya ni Poeny. Minsan ay sinasadya niyang mabuhusan siya ng isang bote ng tubig noong naglalakad siya pauwi at hindi niya nakasabay si Chio, dahil mayroong mayron siyang pinuntahan kasama ang kanyang ama. Pagkatapos ang leksyon ng guro ni Clara sa signaturang Ingles. Inanunsyo ng kanyang guro na magkakaroon sila ng group reporting patungkol sa kanyang nileksyon. Matapos ang pag anunsyo pumunta na ang iba sa kanilang kagrupo para mag plano. Samantalang si Clara ay hindi alam kung papaano siya makikihalubilo sa kanyang ka grupo kaya nanatili siya sa kanyang upuan.
"Ikaw ba si Clara?" tanong ng isang babaeng nag sasalita. Nagulat si Clara sa pangyayari kaya nakatitig lamang siya rito.
"Ako nga pala si Trexie Ann Luzano, siya naman si Samira Rivera." Nakangiting pagpapakilala nila kay Clara.
"Clara Elaine Manuel, pala." pagpapakilala ni Clara sa kanila tyaka siya ngumiti.
"Mamaya ba busy ka? gusto ko kasi sanang mamaya na lang tayo mag plano nagugutom na kasi ako." Sabi ni Samira kaya naalala naman ni Clara na lunch break na nila. Kaya tumitingin siya sa paligid para hanapin si Chio.
"Kung gusto mo sabay ka na lang saamin kumain para makapag plano tayo." Biglang sabi ni Trexie kaya napatingin si Clara sa kanya. Napansin ni Clara na wala na si Chio sa kanilang classroom kaya tumungo na lang si Clara sa sinabi ni Trexie bilang pagsangayon.
"Ayan may new friends na tayo, Samira." Sabi ni Trexie tyaka niya inakbayan si Clara bago sila lumabas.
"Napansin ko napakatahimik mo sa klase." Sabi ni Trexie kay Clara.
"Nahihiya ka ba sa amin? wag kang mahihiya ah. Welcome ka samin matagal ka na namin gustong makausap ni Samira buti na lang group ka namin." Walang tigil na Sabi ni Trexie kay Clara.
"Oo naman." mahinang sambit ni Clara at ngumiti siya rito.
Pagkarating nila sa Canteen ay dali dali silang bumili ng kanilang makakain. Pagkatapos ay naghanap sila ng kanilang mauupuan.
"Tara doon tayo." Turo ni Samira sa isang lamesa na katapat lang sa inu-upuan nila Chio, Ian at Edison. Agad agad naman silang nagtungo sa tinurong puwesto ni Clara tyaka umupo.
Tahimik na kumakain si Clara habang nakikinig sa plano ni Samira at Trexie para sa kanilang group reporting. Paminsan minsan ay nagbibigay din siya ng kanyang suggestion para mapaganda ang kakalabasan ng kanilang reporting. Nang matapos kumain si Clara tumulong na siya kay Samira sa pagsusulat ng kanilang mga plano. Matapos ang kanilang pagpaplano nag kwentuhan sila tungkol sa kanilang mga gustong gawain.
"Ikaw Clara ano hilig mo?" tanong ni Samira.
"Gumawa ng tula." Maikling tugon ni Clara.
"Mahilig ka gumawa ng tula?" sabay at gulat na tanong ni Samira at Trexie.
"Oo" nahihiya niyang sambit.
"Ang galing naman pwede ko ba basahin mga tula mo minsan?" Tanong ni Trexie at tumungo naman si Clara sa kanyang tanong.
"Ako rin gusto ko mabasa." Ani ni Samira.
"Sige, sa susunod."
"Nakakatuwa naman naeexcite ako." Tuwang tuwa na sabi ni Trexie. Natigil ang usapan nila ng biglang nilapag ni Chio ang isang orange juice sa kanilang lamesa. Iyon ang pilit hingin ni Clara kay Chio kaninang umaga.
"Sa'yo na yan." Sabi ni Chio kay Clara bago umalis at lumapit kila Ian at Edison. Sinundan naman ni Clara at kilos ni Chio kaya kinawayan siya nila Ian at Edison. Kinawayan din niya sila pabalik.
Bakas naman ang gulat sa mukha ni Trexie at Samira habang nakatingin kay Clara. Kaya naman nakaramdam siya ng pagkailang sa dalawa.
"Anong meron sainyo ni Chio? Kayo ba? Kailan pa?" sunod sunod na tanong ni Trexie kay Clara kaya naman natawa siya bigla. Palagi kasing tanong yan sa'kanila ni Chio at palagi nilang sagot ay hindi. Masyado kasi silang malapit sa isa't isa kaya akala ng karamihan ay sila.
"Hindi mag kaibigan lamang kami." Sagot ni Clara sa tanong ni Trexie.
"Kung magkaibigan kayo? bakit parang hindi." Singit at tanong ni Samira kay Clara.
"Oo nga tama si Samira, Clara." Pagsangayon ni Trexie sa sinabi ni Samira.
"Ganun na talaga kami ni Chio dati pa magkaibigan na kasi kami simula nung bata pa kami." Pagpapaliwanag ni Clara.
"Ahh." ani ni Samira at Trexie sa sinabi ni Clara sa kanila.
"Sila Edison at Ian naman? alam mo ba nagulat ako kumaway sila sayo." Sabi ni Trexie at tumungo naman si Samira.
"Ah naging close ko sila dahil sa music club." Sagot ni Clara.
"Ikaw yung babaeng kumakanta doon?" Gulat nanamang tanong ni Trexie.
"Oo." Sabi ni Clara at ngumiti.
"Ang ganda pala ng boses mo Clara." Pagpupuring sabi ni Samira.
"Salamat" tugon niya.
"Pero alam mo ba Clara, may gusto ako dyan." Sabi ni Samira.
"Ha? kanino?" nagtatakang tanong ni Clara.
"Kay Edison." Pabulong na sabi ni Samira.
"Ang gwapo niya kasi tapos ang bait niya pag kinakausap mararamdaman mo na may respeto siya sa'yo." Dagdag na sabi ni Samira.
"Totoo naman mabait siya." Sabi ni Clara tyaka ngumiti kay Samira.
"Wag mo na lang sabihin sa kanya na gusto ko siya." Bilin ni Samira kay Clara.
"Oo naman." Sabi ni Clara. Habang tumatagal ang kanilang usapan nagiging komportable na si Clara sa kanila. Hindi nila namalayan ang oras kaya nung napansin Ito ni Samira ay dali dali silang Tumayo upang bumalik sa kanilang classroom.
Tahimik na nag lalakad si Chio at Clara patungo sa music club. Habang patungo sila hindi mapigilan ni Clara tanungin si Chio.
"Bakit hindi mo ako hinintay kaninang recess?" malungkot na tanong ni Clara kay Chio. Kaya napatigil siya sa paglalakad at nagbuntong hiningang humarap kay Clara.
"May kausap ka kasi kanina akala ko kasabay mo na sila kaya nauna na kami nila Ian." Pagpapaliwanag ni Chio kay Clara. Nagpatuloy na silang maglakad habang wala pa ring imik si Clara. "Huwag ka na magalit ah." Sabi ni Chio at hinawakan ang kamay ni Clara. "Hindi naman ako galit kaya Tara na baka naiinip na silang dalawa doon."
Pagkarating nila sa music club ay daling dali pumwesto sila Clara at Chio. Nagumpisa agad silang tumugtog ng kanilang kakantahin. Inumpisahang tumugtog si Edison at unang kumanta si Chio.
"Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kasi wala nang bukas
Sulitin natin, ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi"
Umpisang kanta ni Chio habang nag gigitara.
"Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat"
Kanta ni Clara at tumingin kay Chio.
"Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"
Sabay na kanta ni Clara at Chio habang nakatitig sa isa't isa.
'"Di namalayan na malalim na ang gabi (malalim na ang gabi)
Pero ayoko sanang magmadali (huwag kang magmadali)
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi"
Kanta ni Chio habang nag sesecond voice si Clara.
"Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat"
Mataas na pagkanta ni Clara.
"Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sa 'ting huling sayaw (paalam na sa 'ting...)
May dulo pala ang langit (huling sayaw)
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"
Pagtapos ng kanta ni Chio at Clara habang nakatitig sa isa't isa.