Enjoy Reading! “Sumabog ‘yong parking lot ‘di ba? Kami-kami rin nila Cali at Benjamin ang magkakasama no’ng binantayan ka namin. Akala nga namin ay lumindol dahil umalog ‘yong kama na hinihigaan mo. Tapos no’ng sumilip ako sa bintana ay maraming tao sa baba na may mga hawak na camera.” “Ay oo, tama si Noah. Hindi na lang namin pinansin dahil akala namin may shooting. Bobo mo talaga Cali! Hindi mo man lang naisip tsumismis sa baba!” Masamang tinignan ni Cali si Benjamin nang mai-park ang kotse. Tinaas nito ang gitnang daliri at tinutok pa sa mukha ng kaibigan. Wala naman nang magagawa ang pagtatalo nila kaya umiling na lang ako. Nanguna akong lumabas at padabog na sinara ang pinto para maagaw ang atensiyon nila. Bago ko pa sila matawag ay may biglang humawak sa kwelo ko

