Enjoy Reading! “Huwag niyo nang isipin ‘yon,” seryosong ani ko kila Zapphire. Ang mga mukha nila ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala. Ayoko ng ganito. Ayokong ma-feel na malapit na akong mamatay. Ayokong isipin na iiwan ko na ang mga anak ko. Gusto ko pang makita na gumaling si Kiara. Her mental health is still not okay. “We’ll do everything, Cyhael, hindi ka mamamatay,” ani Levine. Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Ang mga Mafioso-ng ‘yon ay hindi hahayaang makita na buhay ako. Nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ‘yon. Kinabahan kaagad ako nang makita ang caller. It’s Ryan! Kanang-kamay ni mama. Nanginginig ko iyong sinagot at nautal pa nang magsalita ako. Hindi inalis ng mga kasama ko ang tingin nila sa akin. Parang alam na agad nila

