•Araw-araw nadadagdagan reads and follows ng story nila Cyhael and Argus. Thank you so much sa mga nagbabasa nito. Malapit ng mag-100 reads and 30 follows. Grabeee! Thank you talaga sa inyo! Enjoy Reading! PAGKAGISING ay sinabihan ako ng mga Kasambahay na pumunta sa study room kung nasaan ang secret room dahil nandoon daw ang ibang barkada. Naghilamos at nag-toothbrush lang ako kaya nakababa rin ako kaagad. Sinabihan ko muna si Manang Rosie na maghatid ng tanghalian dahil nagugutom na ako. Kagabi pa walang laman ang tiyan ko kaya medyo nahihilo na ako. Pagkarating doon ay may mga alak na nakahanda sa maliit na lamesa. Naumay ako at umismid nang alukin ako ni Liam. Tumayo ako at lumabas upang kuhain ang pinahanda kong pagkain kay manang. Nagpasalamat ako rito at bumalik na sa se

