CHAPTER FIVE

2560 Words
Enjoy reading! MASAYA kaming naglalaro nila Kiara at Levine ng makarinig kami ng putok ng baril. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang mga nagtatakbuhan. Parang papunta iyon sa aming kinaroroonan. Lumukob ang kaba sa aking sistema at hindi na makapag-isip ng tama. Natatakot ako sa kahihinatnat namin. Nagyakapan kami at nag-iyakan ng bumukas ang pinto ng kwarto naming tatlo. Halos manlambot ako ng tutukan kami ng baril ng hindi ko mabilang na kalalakihan. 'Ano bang nangyayari?' "A-ate," pagtawag sa amin ni Kiara, ang bunso sa aming tatlo. Hindi ko siya magawang aluin dahil maski ako ay nanginginig na sa takot. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Sa murang edad ay heto may nakatutok sa aming baril. "Talian na 'yang mga 'yan," narinig kong utos ng isang lalaki na nasa unahan nila. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagngisi niya. Kabado akong umiwas ng tingin. Pilit kaming inilalayo ni Levine sa mga taong papalit na sa amin. Asan na ba ang mga magulang namin? Hindi kaya? Lalo akong kinabahan ng kung ano anong sitwasyon ang nabuo sa utak ko. Huwag naman sanang mapahamak ang mga magulang namin. Magnanakaw ba sila? Bakit hindi manlang kami tinutulungan ng mga kapitbahay namin? "Huwag kayong lumapit!" sigaw ko ngunit tila mga wala silang narinig. "Isusumbong namin kayo sa daddy at mommy namin," nanginginig ang labing wika ko ngunit tinawanan lamang iyon ng lalaking nag-utos. "Ahh talaga ba? Gusto mong samahan pa kita?" Hindi ko nagawang intindihin ang sinagot sa akin ng nag-utos dahil may humawak sa aking hita. Kinilabutan ako at sumigaw-sigaw. Pinilit kong piglasin ang pagkakahawak niya sa akin at sinipa siya sa gitnang bahagi ng katawan niya. Napaluhod siya sa sakit at 'yon ang naging hudyat ng ibang lalaki para bumilis ang kanilang mga kilos. Tinalian nila ang kamay namin at bigla-bigla na lang kaming pinaupo. Naramdaman ko ang sakit sa pang-upo ko dahil walang carpet ang pwestong binagsakan namin. Padabog pa kami nitong pinaupo sa malamig na tiles. "Ano bang kailangan niyo?" umiiyak na tanong ko, maski si Kiara ay umiiyak pa rin. Pilit kong pinipigilan na maiyak muli. Kailangan kong tatagan ang loob ko kahit nauubusan na ako ng pag-asa na makawala sa mga taong ito. Hindi ko maunawaan kung anong kailangan nila sa aming mga bata. "Hindi namin kayo kailangan. Inutusan lang kami kaya makisama kayo kung ayaw niyong masaktan," nakangising sagot ng lalaking nag-utos kanina. "Dalhin na sa kotse 'yan." Napakabilis ng t***k ng puso ko. Mahirap kumalma lalo na at may nakatutok pa rin sa amin baril. Nanlalabo na nga ang aking paningin sa luhang inilalabas ng aking mga mata. Kahit anong pagpupumiglas namin ay hindi namin nagawang makawala. Tig-dadalawang lalaki ang mga nakahawak sa amin at hindi biro ang laki ng katawan nila. Sampung taong gulang pa lang kami at imposible na makatakas kami sa dami nila. Anong laban ng tatlong mahihinang batang babae sa halos trentang naglalakihang lalaki. Ubos na ubos na ang pag-asa ko. Nasa tapat na kami ng isang van ng mahagip ng paningin ko ang mga magulang namin, nakangisi at tila nagseselebrasyon na sa loob-loob nila. 'Mom, dad, why are you doing this?' Nagising ako ng pawis na pawis at sobrang uhaw kaya tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at nagpunta sa kusina upang kumuha ng tubig. Para akong sumabak sa isang marathon sa sobrang uhaw ko. Pawis na pawis at nangangatog ang tuhod. Fuck those dreams! Minsan ay ayoko nang matulog dahil iyon ng iyon lang ang aking napapanaginipan. Tinawagan ko si Levine at ilang ring lang ay sinagot na niya agad. "Can't sleep?" tanong niya. Alam niya ang schedule ng pasok ko kaya alam din niya kung anong oras ang tulog ko. "I just woke up from a nightmare," sagot ko at bumuntong-hininga naman siya. Sana nga ay nightmare lang 'yon. Pagkainom ko ng tubig ay nagpunta ako ng sala at binuksan ang T.V. "Napanaginipan mo na naman ba?" tanong niya sa 'kin. "Mmm," inihiga ko ang ulo ko sa sandalan ng couch. Tumitig ako sa kisame at pilit kinakalimutan ang napanaginipan ko. "W-why?" nautal ako ng maramdaman ang nagbabadyang bugso ng damdamin. "Ano bang kasalanan natin para gawin nila sa atin 'yon?" kumawala ang luha sa mga mata ko kaya pilit kong pinupunasan ang mga 'yon. "I don't know," ramdam ko ang alinlangan ni Levine ng sagutin niya ako. "I will never forgive them, Le." walang emosyong sambit ko. Natahimik kami ng ilang sandali. Wala pa ring tigil sa paglandas ang luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kisame. 'Kung ano mang dahilan niyo, sisiguraduhin kong pagbabayaran niyo 'yon.' Tumayo ako at napatingin sa orasan sa taas ng pinto, alas dose pa lang ng tanghali. Hindi na ako makakatulog kaya kakain na lang ako at maghahanap ng mapaglilibangan. "Later na lang Le, bibili na muna ako ng makakain, bye!" hindi ko na siya hinintay na sumagot. Pinatay ko na ang tawag at umakyat na sa aking kwarto. Naligo lang ako at sinuot ang mga kailangan kong suotin. May nakita akong convenience store kaninang madaling araw sa labas ng village noong umuwi ako. Doon na lamang ako bibili ng pagkain. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa convenience store. Binati ako ng staff nang pumasok ako. Nginitian ko na lamang siya at kumuha na ng dapat kong bilhin. Sa bahay na lang ako kakain dahil ang daming tao dito. Sa daan pabalik ay natatanaw ko ang kotse ni Argus, ang sports car. Yayamanin talaga ng pamilya nila. Bumusina siya at huminto sa gilid ko. Todo ngiti naman ako ng ibaba niya ang salamin ng kaniyang kotse. "Hi, Sir Argus," hindi pa rin nawawala ang aking pagkakangiti. "Get in," napataas ang kilay ko sa sinabi niya sa akin. "Po?" inosente kong tanong at kinamot ang aking sintido. "Bingi ka ba? Sabi ko pumasok ka," ma-attitude na sabi nito sa akin. Luh! Supalpalin kitang hinayupak ka eh! "Bakit po?" pinilit kong maging mahinahon ang pagtatanong ko. "Pumasok ka na lang kasi, tatanong pa eh," asar na asar na sagot nito sa akin. Naaasar din ako sayo. Palihim akong umirap at lumapit sa backseat door. Bubuksan ko na sana iyon ng sigawan niya ako. "Hindi diyan!" Napatalon ako sa gulat kaya natatarantang lumapit ako sa passenger seat door. Bumuntong-hininga pa muna ako bago pumasok. Sinamaan pa muna niya ako ng tingin bago paharurutin ang kaniyang kotse. Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti ng plastic. "Saan po ba tayo pupunta, Sir Argus?" pilit ko pa ring pinapahinahon ang pananalita ko. "We're going to buy your dress," sagot nito sa akin. "Huh? Para saan po?" naguguluhang tanong ko. "Date kita sa birthday ko, hindi ba? Baka kung ano lang ang suotin mo, ayokong mapahiya dahil lahat ng pamilya ko ay dadalo," napairap na lang ako sa sinabi niya. Wala akong hilig sa mga dress pero hindi ibig sabihin noon ay badoy na akong manamit. Magkikita kami ni Mr. Weinford, napangisi ako at inisip kung paano siya aarte kapag pinakilala ako ng anak niya. "Bakit po ba ako ang inaya mong maging date?" konti na lang ay kikilabutan na ako sa arte ng pananalita ko. Ish dat u Sayel? "Wala po ba kayong girlfriend?" Tanong ko ulit nang hindi niya sagutin ang naunang tanong ko. "Kung meron lang edi sana hindi ikaw 'yong kasama ko ngayon, 'di ba?" Sarkastikong tugon nito sa akin. Okay! Sabi ko nga, eh. Hahayaan ko muna ang pagsupalpal niya sa sinasabi ko. Tsaka na ang ganti ko kapag tapos na ang mission. Nanahimik na lamang ako at kinuha ang hotdog sandwich na binili ko kanina sa convenience store. Gutom na gutom na ako tapos bigla akong isasakay ng kupal na 'to sa kotse niya. Hindi man lang muna ako pinakain. Sabagay, hindi naman niya alam. Pero kahit na, nakita naman siguro niya ang plastic na hawak ko. Wala manlang common sense 'tong isa. Kinagatan ko ang hotdog sandwich habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Wala akong balak alukin ang kupal na 'yon. Attitude siya. Nangangalahati na ako ng mapabaling ako sa kaniya ng marinig ko ang mahinang boses niya. "May sinasabi ka po, Sir Argus?" tanong ko matapos lumunok. "Ang sabi ko, kung masarap ba 'yan?" nakakunot ang noong tanong niya na pasulyap-sulyap sa kinakain ko. Napangisi ako at nakaisip ng kalokohan. "Gusto mo po ba?" painosenteng tanong ko. Tumango naman siya at muling sinulyapan ang kinakain ko. Nang bumaling siya sa harap ay sinubo ko ng buo ang natitirang hotdog sandwich. Muntik pa akong mabulunan sa katangahang ginagawa ko. Lobong-lobong ang bibig ko ng bumaling ulit ako kay Argus. Nilapit ko ang kamay kong may hawak ng plastic. Pinigilan kong matawa ng ngumanga siya at sinubo ang plastic. "What the hell!?" niluwa niya ang sinubo ko sa kaniya ng ma-realize na hindi pagkain iyon. Tuluyan akong nabulunan ng hindi ko na napigilan ang aking tawa. Binuksan ko ang salamin at niluwa ang laman ng bibig ko. "Gago ka ba?" Pagalit na tanong nito sa 'kin habang ako naman ay hindi pa rin nauubusan ng tawa. "Manahimik ka nga!" Bahala ka diyan! Nagsasaya pa 'yong tao, eh. "Tang-ina! Sabing manahinik ka, Leah!" natahimik ako ng sumigaw na siya. Gigil na gigil naman 'tong isang 'to. Napanguso na lang ako at nanahimik na. Nauuhaw ako kaya sinilip ko na lamang ang plastic bag. Lalo akong napanguso ng wala ni isang inumin ang nasa plastic. Nilibot ko ng tingin ang kotse niya at naghanap ng tubig. Nang wala akong nakita ay nagtanong ako sa kaniya. Sa kasamaang-palad ay wala siyang tubig. "Malapit na tayo. Tiisin mo muna 'yang uhaw mo," ani nito at iyon nga ang ginawa ko. Nang lumiko ang sasakyan ay nasa parking lot na kami ng mall. Naghanap pa muna siya ng available at ng makahanap ay sabay na kaming lumabas. Iniwan ko na lamang ang dala ko sa kaniyang kotse at sumabay na ako sa kaniya na pumasok sa loob. Nahiya ako bigla ng libutin ko ng tingin ang loob ng mall. Mga nakaporma ang mga tao sa paligid maski ang kasama ko, samantalang ako ay nakasuot ng maong short at loose t-shirt. Nakatsinelas lang din ako. Napayuko ako ng pagtinginan ako ng mga tao at patago akong tinawanan kahit nakita ko naman. "Aray!" napahawak ako sa noo ko ng bumangga ako. "Ano bang ginagawa mo?" nakakunot ang noong tanong sa akin ni Argus na siyang nabangga ko. Bato ba 'to at ang tigas ng dibdib? "Tsk! Ikaw kasi eh, kung pinagbihis mo muna ako edi sana hindi ako pinagtatawanan ng mga tao," pumameywang akong nakataas ang ulo upang tignan siya sa mga mata. Ngayon ko lang na-realize ang tangkad niya sa akin. Nangangawit na ang leeg ko at hanggang dibdib niya lang ako! Hinagod naman niya ng tingin ang kabuuan ko at napailing na lang. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit. Halos tumakbo ako sa bilis at laki ng bawat hakbang niya. Pumasok kami sa isang boutique na puro pangbabae ang tinitindang damit. Hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko habang kumukuha ng damit at inaabot sa nakasunod sa aming staff. Hindi ko napansing may nakabuntot na pala sa amin. Nang naikot na namin ang kabuuan ng boutique ay tsaka lamang siya tumigil at hinarap ako. "Sukatin mo lahat 'yan, hihintayin kita dito." Binitawan niya ako at napatingin naman ako sa mga damit na tinabunan na ang mukha ng babaeng staff. "Hala!" Kinuha ko ang iba sa kumpol ng damit at humingi ng tawad sa babae. Awkward itong ngumiti sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Argus at ginantihan naman niya ito. "Bilisan mo na," tinulak niya pa ako kaya wala akong nagawa. Sumunod sa akin ang babaeng staff at nilagay sa loob ng fitting room ang lahat ng damit na dala niya. Nagpasalamat ako at sinara ang pinto nang makalabas na siya. Napabuntong-hininga na lang ako sa dami ng damit na susukatin ko. Una kong sinukat ang fitted off-shoulder dress na kulay black. 3 inches above the knee at hapit na hapit sa akin. Napangiwi na lang ako ng hindi bumagay ang suot kong tsinelas. Nag-alangan pa akong lumabas pero ng narinig ang reklamo ni Argus ay lumabas na ako. Pinilit kong ngumiti at umikot sa harap niya. Nakaupo siya sa couch at umiinom ng ice coffee. "Pangit, hindi bagay sayo, next," sabi nito at pinasadahan pa ulit ng tingin ang kabuuan ko. Bumaba ng limang porsyento ang confidence ko sa sinabi niya. Padabog akong bumalik sa loob at kinuha ang isa pang dress na black. Spaghetti satin long black dress iyon na may hati hanggang gitnang hita ko. Hindi pa rin bumagay ang suot kong tsinelas kaya hinubad ko na lamang iyon at lumabas. Hindi na ako umikot at ngumiti na lamang ng pilit. "Pangit, hindi bagay sayo, next," napairap na lang ako ng iyon na naman ang sinabi niya. Sampung dresses na ang nasukat ko pero pare-pareho lang ang puna niya sa akin. Nagpapadyak na lang ako sa loob ng fitting room ng hindi na naman niya nagustuhan ang pang labing-isang sinukat ko. Isang black halter neck satin long dress with high slit ang pumasa sa mga mata ni Argus Crynor, ayon daw ang susuotin ko sa kaniyang birthday. Binilhan niya rin ako ng denim high waisted pants at loose croptop na kulay puti na pinasuot niya sa akin ngayon. Matapos niyang magbayad ay sa shoe store naman kami nagpunta. Pero bago kami makapasok ay may biglang sumigaw ng pangalan ni Argus. Isang magandang babae ang pasugod sa amin ngayon. Kamuntikan na akong matumba ng ambahan niya ako ng sabunot. "What the f**k, Paula!?" sigaw ni Argus pagkahigit niya sa akin. Kinabahan ako ng sobra-sobra. Kung hindi ako hinigit ni Argus ay paniguradong para sa akin ang tanong na iyon kapag natanggal ang suot kong hair extension. "Who's that b***h, Argus? Are you cheating on me?" Sigaw din ng babaeng tinawag na Paula ni Argus. "We're f*****g done Paula, get lost!" hinawi ni Argus si Paula ngunit hinawakan nito ang palapulsuhan ko. "Bicth! He's mine!" sigaw nito sa akin sa mismong mukha. Edi sayo na! Hindi ko naman inaangkin 'yang malandi mong jowa! "Damn! I'm not yours, Paula. Go away and don't f*****g come near me again!" "Babe, please, I know you still love me!" umiiyak na pagmamakaawa ni Paula. Napabuntong-hininga na lamang ako sa eksenang napapanood ko. Gosh! Exit na Sayel, kadiri ang napapanood mo. "I don't love you, Paula!" "Ano ba!? Paula ka ng Paula. Christine ang pangalan ko!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Gago! Pinigilan ko ang matawa at baka sa 'kin pa ibunton ng babaeng 'to ang galit niya. "I don't care! Umalis ka na sa harap ko," walang emosyong sabi ni Argus at tinalikuran na ang babae. Napasunod naman ako dahil hawak ni Argus ang kamay ko. Bumaling ako sa likod namin at nakita kong inaalo na ng mga kasama ng babae ang ex girlfriend ni Argus. Ang malanding Argus ay nakabiktima na naman. Kailan kaya matatapos ang kaharutan ng lalaking ito. Bumuntong-hininga ako habang sumusunod sa kaniya na namimili ng sapatos na susuotin ko. |pebreroanim| ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• *FEEL FREE TO COMMENT *FOLLOW IF YOU LIKE *SHARE IF YOU WANT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD