Enjoy Reading! On-going pa rin ang pagsali ng tatlo sa Mafia Clan kaya pinaasikaso ko na kila Kiara ang gusto kong mangyari. Nang sabihin ko kila Levine na magpapanggap akong Mafia Boss ay nagalit sila sa akin. Nilalagay ko sa peligro ang buhay namin dahil sa gagawin kong ito ay hindi malabong malaman kaagad iyon ng mga magulang namin na totoong Mafia Boss. Nang mailagay ko na ang pangtatlong-araw na damit ko sa cabinet ay lumabas na ako para lamang makita ang maliit at kulay pulang kahon sa labas ng kwarto ko. Dinampot ko iyon at nilinga ang paningin sa hallway. Walang kahit isang tao kaya nagtataka kong pinasok sa loo bang kahon na hawak ko. Nag-alangan pa ako kung bubuksan ko iyon pero nanalo rin ang kagustuhan kong malaman kung anong laman. Sa pag-aakalang si Argus ang nag-iwan a

