Enjoy Reading! “Tol, tama na, mapapatay mo sila!" Walang pinapakinggan si Hades. Naliligo na sa sariling dugo ang mga taong ‘yon ay hindi pa rin niya tinitigilang suntukin ang mga mukha. Kiara is in the critical condition. Kanina pa siya nadala sa hospital pero si Hades ay bumalik dito sa studio nila. Hindi namin alam ang buong nangyari. Tumawag na lang si Hades sa amin na nasa hospital sila ni Kiara. Si Levine lang ang nasa hospital ngayon para kung may mangyayari man ay may magbabalita sa amin. Hindi niya sinagot nang magtanong ako kung nasaan si Cyhael. Imposible kasing siya lang ang pumunta rito. I know how much Cyhael loves her sisters. “Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya. We need it now!” Iyon ang naabutan namin ng makarating kami sa hospital. Kausap nito si Levine

