Enjoy Reading! MAAYOS na ang lahat kaya papunta na kami sa private resort na pagmamay-ari rin ng may birthday. Katabi ko sa van ang aking girlfriend. Nakadantay lang siya sa akin at sinusubukang matulog. Maaga ko kasi siyang sinundo sa kanila dahil alas kwarto ang call time namin. Filipino time ang iba kaya alas sais na kami nakaalis. Malalapit lang na barkada ang invited dahil ayaw naman ni Red ng may ibang tao. Nakakaaliw dahil kompleto kami. Kaniya-kaniyang asar ang iba. 'Yong iba ay panay ang biruan kaya hindi matapos ang tawanan. Hindi nga ako makapaniwala dahil nagawang matulog ni Hailie sa gitna ng kaguluhan namin. Nakaakbay lang ako sa kaniya habang natutulog siya sa balikat ko. Inasar pa nga ako ni Zamuel na mukhang pinagod ko raw si Hailie kagabi. Minura ko siya ng mahina at

