Enjoy Reading! NAGISING ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Nilibot ko ang aking piningin at medyo nanakit ang aking batok. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Kiara kaya bigla akong napabangon para lamang makita si Argus na nakayuko at nakahawak sa aking kamay. Inalog ko siya kaya pupungas pungas siyang tumingin sa akin. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata na parang nakakita ng multo. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Iaangat ang kamay pero muli ring ibababa. Nakatingin lang ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata kaya nginitian ko siya. "Kumusta si Kiara, boss?" Basag ko sa katahimikan. Hindi ako sanay ng tahimik siya kaya ako na lang ang nag-umpisa ng usapan. "Dinala siya ni Hades sa hospital dahil malala ang tama niya," sa

