Chapter 17 ------------Flash back---------- Medyo kinabahan si Aling lita sa sinabihan ng matandang mayordoma dahil nakita pala ni Lavinia ang nabasag niya na tasa nuong bumaba siya sa basement kung saan nakita niya si Gina na dating asawa ni Lucas. Kung ganon tama si Gina na kasama ito ng kinulong siya doon at nakakababa pa rin ito doon siguro ay nagdadala paminsa minsan ng Pagkain sa babae. Dapat siyang maging maingat sa matandang Mayordoma masyado pala itong mapaghinala at baka malaman nito na alam na niya ang tinatago nito at ni Lucas pero hindi siya papayag na patalo dito sawa na siyang apak apakan lang ng mga tao. Iba na ngayon. Ito pa dapat ang matakot dahil may lihim ito na bawal sa batas. Subukan lang nila na kantiin siya o ang anak at hindi siya magdadalawang isip na isu

