Chapter 15 --------Flashback--------- Mas maagang nagising si Ella kesa sa mahal na asawa na si Lucas. Masaya niyang pinagmasdan ang napaka guwapong mukha nito habang natutulog. Nakayakap pa ito sa kanya ng mahigpit. Napakaamo nitong tignan habang nahihimbing sa tabi niya. Hindi nakakasawa na pagmasdan ito kahit pa yata pagtanda nila ay ito ang unang gusto Makita niya pag gising niya at gustong makatabi bago matulog sa gabi. Para siyang nasa alapaap kapag sinasabi na siya na si Mrs Ella Hernandez. Pakiramdam niya ay nabuo siya at nagkaroon ng halaga sa mundo lalo pa siguro kung nagkaanak na sila. Malamang napaganda at cute ng mga ito mapababae man o lalake ay tiyak na mukhang angel ang kakalabasan. Hindi siya makapaniwala na may-asawa na siya kahit 16 years old palang. Sino bang mag

