Chapter 26 -------Flash back------- Sa Mansion Sinalubong nila Lotty at Becky sila Lavinia ng maibaba ito ng sasakyan inabot ng mga ito ang mga bag at gamit ng matandang mayordoma saka ipinasok sa loob ng Mansion. Binuhat naman ang matanda ng Driver na si Mang Noli at ni Ralph papasok sa Mansion, inihiga siya sa kama niya ng dahan dahan. Hirap pa kasing maglakad ang matanda dahil sa panibagong tahi nito sa tiyan hindi rin ito gaanong makakilos dahil natatakot itong bumuka ulit ang sugat at baka panibagong tahi na naman. Lavinia:"Salamat sa inyo Ralph, Mang Noli" Tumango lang ang dalawa at ngumiti sa matandang mayordoma. Becky:"Mayordoma kamusta na po kayo? Tawagin ninyo lang po kami pag may kailangan kayo para hindi na kayo lalabas ha" Naglagay pa ito ng baso ng tubig sa bed side ta

