Chapter 39 Tawa ng tawa su Gina na nasa katawan na ngayon ni Julie. Totoong patay na talaga siya pero kinuha ng kapatid na si Ralph ang katawan niya at ginawan ng orasyon para muling mabuhay. Ang tanging kailangan lang ay makalipat sa bagong katawan. Isa kasi sa naging usapan nila ni Ralph ay kung sakaling mamatay siya ng tuluyan ay kunin ang kaniyang bangkay saka dasalan para muling makuha ang espirito niya para maksanib siya sa ibang katawan lalo na kung hindi pa nila napapatay si Lucas at Ella. Lingid sa kaalaman ni Ella ay nakita ni Ralph na si Bea ang nakakuha sa baby niya. Matapos na mahulog sa bangin si Ella (Na mabuti ay nakaligtas. Ang buong akala nito ay patay na ang babae) ay sinundan niya ito hanggang makita na sa Hospital na pinagtatrabahuhan pa nila ni Mandy dinal

