Chapter 24 --------------Flash back-------------- Lumapit si Ralph sa tapat painting kung saan nakita nito na bumaba si Lena kanina. Bubuksan na sana ito ng lalake para bumaba din sa baba ng basement pero nakita niya si Nurse Mandy na palabas naman ng kwarto ni Aling lita. Napatingin ito sa kanya na parang nagulat. Nurse Mandy:"Oh Ralph! ang aga mo naman yatang nagising? Anong ginagawa mo diyan sa sulok?" Nagtataka nitong tanong. Lumapit din ito sa painting na tinitignan ng therapist na kasamahan. Ralph:"Ha? Ah eh tinitignan ko lang itong mga magulang ni Sir Lucas. May itsura din pala noh kaya ang gwapo ni Sir Lucas hehe" Turo nito sa picture ng mag asawang Don Ador at Donya Salud. Tinignan din nito ang larawan. Nurse Mandy:"Oo nga ah mukha talagang mayayaman. Ang ganda pala ng lahi n

