BABY FIVE

2679 Words
JESSE POV Papunta kami ngayon sa bahay ni Kegun. I decided to live here, San pa ba ako dapat titira kung hindi dito lang. Ayako na din makipagsiksikan sa bahay nila gladys. Si Blaze ang may dala ng gamit namin at si Leigh naman sa iba. Buhat ko si Liam sa aking braso. Pagpasok sa Loob naabutan namin si Kegun na nanunuod ng TV. Bigla ko syang inirapan. "Dito na ako Jesse" paalam ni Blaze. "Salamat Blaze" "Anytime, Boss uwi na ko" paalam nya kay Kegun at umalis na. "Mama, ano pong ginagawa natin dito?" tanong ni Liam. "Dito na tayo titira, hindi kasi pedeng kanila Tita gladys tayo" paliwanag ko. "Mama sino po yung lalaki na yan? Sya po yung may dala ng toys kanina kanila tita" Bulong na tanong nya sakin. Napatingin ako kay Keygun at nakitang nakatingin din sya sakin. Si leigh naman ay inaayos ang mga gamit namin. "Sino ka daw?" Sabi ko kay keygun. Lumapit sya sakin at kinuha si Liam. "San yung tutulugan namin?" tanong ko sa kanya pagkakuha kay Liam. "Upstairs, may ilang vacant pa namn" "Leigh akyat mo muna sa taas, sunod ako" utos ko kay leigh "Sige ate" sagot nya at inakyat na ang iba. "I'm your Daddy!" rinig kong pakilala nya kay Liam. Tumingin naman ako kay Liam, nakatingin sa akin na nagtatanong. Ngumiti ako. "Daddy? Mama?" tumango lang ako. Inakyat ko na ang ibang gamit namin isa isa. Nakita kong dala dala ni kegun ang ibang gamit namin. "Nasan si Liam?" tanong ko "I leave him in sala, he's playing" Tumungo ako sa sala, nakita kong naglalaro si Liam. "Did you already eat?" Nagulat ako ng biglang syang magtanong mula sa likod ko. "Ako na magluluto" sabi ko at pumunta na sa kusina. Tinignan ko muna sa ref kung anong meron sya. Kumpleto lahat. Naisipan kong magluto na lang ng adobo na may ketchup may specialty. "Leigh" "Bakit po ate?" "Sabihin mo kain na tayo" Lumabas si Leigh ng Kusina at tinawag sila. Naghain ako sa lamesa. Nagdatingin sila. Buhat ni Kegun si Liam at iniupo sa kanyang gilid. Sya naman ay naupo sa gitna. Tumabi naman ako kay Liam. Si leigh naman ay sa kabilang gilid ni Kegun. Sinusubuan ko si Liam, dahil pag hinayaan ko syang kumain mag isa makalat. Tahimik kaming kumain hanggang matapos. Ako na ang naglinis, si leigh naman at si Liam ay pinaakyat ko na. Naghuhugas na ako ng plato. "Is it really okay for you live here with me?" tanong ni kegun mula sa likod ko. Ramdam kong nakatingin sya sa akin. "Wala akong ibang choice. Ayaw mo akong paalisin sa lugar nato. Navmgiging epal na din kami sa bahay ng pinsan mo." Paliwanag ko. "But you can't even talk to me, if you naman like now" "Naghuhugas ako. Ang laki ng problema mo!" inis na sabi ko. "Look Jesse, I'm really sorry" sabi nya. "I regret what I did to you, but Liam" "Wala tayo magiging problem Kee, Tumira ako dito dahil wala kaming ibang kilala dito" Sabi ko, tapos na ako sa paghuhugas. Tumingin ako ng diretso sa kanya "Sabi ko nga sayo, Hindi ko ipagkakait si Liam sayo" dagdag ko. Dadaaan ako sa harap nya pero hinarangan nya ako "Ano ba kee!!" inis na sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Dadaan ak-" hindi natapos ang sasabihin ko ng Isandal nya ako sa pinto ng ref. "Ano ba!! Pipilitin mo ako?" "No, I just, just f**k" mura nya. Tumingin sya sakin ng diretso papalapit ang kanyang mukha. Iniwas ko ang mukha ko. "Wag mo kong punuin Mr. Caciano" Sabi ko tumingin sa mata nya "Hindi mo gugustuhin" dagdag ko at tinulak sya. Umakyat na ako sa kwarto namin. Pagpasok ko hinawakan ko ang dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba o takot. "Ate ayos ka lang?" Tanong ni leigh "Oo, tulog na agad si Liam?" tanong ko "Oo ate, hinugasan ko muna sya bago pinatulog" sabi nya pa. Dumiretso ako sa banyo at naghugas ng katawan. Ang kwarto namin ay may sariling TV, banyo at may Veranda, may mini salas den. Tumabi ako kay Liam na nakaharap sakin at humiga. Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Ate ayos ka lang ba?" tanong uli ni Leigh. "Kaya mo ba talagang makasama si kuya? ang ama ni Liam?" "Kakayanin ko, hindi naman tayo makakaalis dito, ayaw nila tayong payagan" "Ate paano ang pag-aaral ko" "Wag mo muna isipin yun. Matulog ka na" A week past. Nakakasanayan na namin ang tumira sa lugar na ito. Para kaming isang preso, pero walang nagbabantay samin dahil maraming mga lalaki ang nakamasid sa loob. Sa dalawang linggo na magkasama kami sa isang bahay, hindi ko sya kinakausap tanging ang anak lang namin talaga ang nag uugnay samin. Tinatry nyang kausapin ako pero inaalisan ko lang sya.Tatlong linggo na kaming hindi nakakalabas sa subdivision. Tinatanong ko sila Gladys at krystal, maging ang asawa nila Conrad at Rex. Kilala ko na silang lahat. Alam ko alam ng mga asawa nila ang ginawa sakin ni Kegun, hindi ko lang alam ang kanilang mga asawa. Sa tuwing tinatanong ko sila kung bakit hindi pwede, inaiiwasan nila at iniiba ang topic. Nagbobonding kami ng mga asawa nila kasama ang mga anak nila na halos kaedad ni Liam. Ang asawa ni Rex ay si Ashley at kay Samantha naman si Conrad. Paiba iba ng bahay ang pinupuntahan namin, minsan bahay nila ashley, minsan kanila sam, minsan dito sa bahay, salitsalitan ang aming ginagawa. Kaedad ko lang sila Ashley, Sam at Krystal, si Gladys ang bata samin. Kambal na isang babae at lalaki ang anak nila Asley sila Nicole at Nathan. Kay Sam naman ay isang lalaki na si Lance kaedad lang din ni Liam ang mga ito katulad ni Bea at 2 yrs old nya na si Faith. Ang gaganda ng lahi nilaat di maipagkakailang mayayaman ang pinanggalingan.Ngayong araw na ito ay Birthday ng lalaking kinaiinisan ko. Maaga itong umalis, pumasok sa trabaho. Sa labas ng Subdivision ang trabaho nila kasama ang apat na lakaki. Nasa Lamesa kami nila leigh at kumakain. Wala kaming katulong sa bahay. Para hindi din maboring ang buhay namin dito kami ni Leigh ang gumagawa ng gawaing bahay, Sanay na naman kami dahil yun ang kinalakihan namin. May nagdoorbell. "Ako na magbubukas ate" sabi ni Leigh at lumabas ng bahay. "Mama, nasan po si Daddy?" pano ang bibig na tanong ni liam. "Diba sabi ko, wag magsasalita kapag puno ang laman ng bibig?" tanong ko. Tumango na lang ito "Pumasok sa work si Daddy mo, tapos birthday ni Daddy mo kaya bigyan mo sya ng madaming kiss ah" sabi ko "Yes po Mama" Sabi nya ng nakangiti. Wala ng laman ang bibig nya. "Ate ate, may package tayo" tuwang tuwang sabi ni leigh bitbit ang tatlong kahon "Kanino daw galing?" "Siguro kay kuya kegun, may celebration daw mamayang gabi" "buksan mo na" utos ko. Binuksan nya una ang maliit na box, isang american suit na kulay Maroon may necktie pa itong black na maliit, may kasama din itong black leather shoes na maliit. "Anak tignan mo, yan ang susuotin mo mamaya" "talaga Mama?" "Yes baby, gagwapo ka mamaya" sagot ni leigh. Sinunod buksan ni Leigh ang box. "Ate cocktail dress, sakin ata to" sabi nya at sinukat ang dress, may kasama itong white higheels na 2 inches ang taas "ate akin nga, sakto din sakin ang heels" "Yung pang huli" utos ko, binalik nya muna sa box ang dress nya at binuksan ang huling box. "Ate ang ganda, para talagang pinaghandaan ni kuya" sabi ni leigh at pinakita sakin ang dress. It's a long sleeve dress na v neck at halatang kitang kita ang dibdib ko mamaya. May kasama itong black highheels na 3 inches ang taas. "Ate babagay sayo to" "Ituloy mo na ang pagkain mo" Kinahapunan nag aayos na kami ng sarili namin. Una kong inayusan si Liam at sinuot ang suit nya. White longsleeve ang loob nya. sinuot ko ang coat nya at sobrang gwapo ng dating nya. Hinayaan ko ding nakababa ang kanyang buhok. Sinuot ko na din ang damit ko. Below knee and damit at labas ang dib dib ko. Hindi man sa pagmamalaki ay may ipagmamalaki naman. Kurbang kurba ang kasexyhan ko sa suot kong damit. Sinuot ko na din ang Heels. Nagsuot na din ng damit si Leigh at salitan naming inaayusan ang isat-isa. Light make up lang ang nilagay nya sakin at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Tinali ko ang buhok ko, medyo mahaba ito. Hindi babagay kung ilulugay ko. Nagsuot ako ng kwintas na bigay ni Mama sakin. "Ate ang ganda natin" sabi ni leigh at tumingin kami sa salamin "Liam halika" tawag ni Leigh. Lumapit si Liam at tumayo. "Mama, tita ang ganda nyo po" bola ni Liam. "Ang bata mo pa bolero ka na" sabi ko at piningot ang ilong nya. "Masakit Mama" May narinig kaming busina sa labas. "Andyan na ata sundo natin, tara na" sabi ko. Dahan dahan ang paghakbang ko sa hagdan at hawak hawak sa kamay si Liam. Paglabas ng bahay. May nakita akong isang itim na kotse. Hindi ko kilala ang nagdrive. Sumakay kaming tatlo sa likod. Pinaandar na ng driver ang kotse at pumunta sa Venue. Pagdating namin, Red carpet ang sumalubong samin. "Ang bongga namna dito ate" sabi ni Leigh "Ma'am baba na po kayo" sabi ng driver. "Salamat" bumaba ako kasama si Liam, sa kabilang door naman bumaba si Leigh. "Mama, wala naman po tao" sabi ni Liam. Pumasok kami sa loob. Nagkakasayawan ata dahil ang lakas ng tugtog. Pagpasok sa loob sa amin lahat ang tingin. Napatingin ako sa gitna kung saan andun si Kegun at nakatayo. Katulad na katulad ni Liam ang suot nya. Matching suit sila at kakulay din ng suot kong damit. Ngumiti ako habang naglalakad sa mga tao dito. Nakita ko naman sila Sam sa isang lamesa. Sinalubong kami ni Kegun at hinawakan sa kabilang kamay si Liam. "Daddy" rinig kong bati ni Liam sa Ama. "Your handsome son" papuri nya dito. Magkatulad sila ng suot at magkamukhang magkamukha hindi maipagakakailang anak nya ito. "Ate doon muna ako kanila ate Sam" Paalam ni Leigh. "Wait sasama ako" binitawan ko si Liam at susunod sana kay Leigh. "No, Stay here with us." sabi nya, hinawakan nya ako sa kamay napalingon ako sa kanya. Baliw ba sya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa paghawak ny sa kamay ko. Wala akong nagawa at pumunta sa table na nireserved para samin ni Liam. Umupo ako. "Mama, ang dami pong pagkain" "Anak, bawala ng madaming pagkain. Gabi na" sumimangot naman ito. "just let him be" sabi naman ni Kegun sa kabilang gilid ni Liam, sinamaan ko sya ng tingin. Ngiti lang ang sagot nya sakin. nakaharap kami sa tao at may ikaw na tumatapat samin. "late kayo" dagdag nya pa. "kakarating lng ng pinasundo mo" bulong ko. "sorry" na naman. "Good Evening Ladies and Gentleman, brother and sister. It's a wonderful to see all of you tonight. And It is an honor for me to be a host to our celebrant Mr. Kegun Maximo Caciano and his Family. " sabi ng baklang host. family kami? hahahah "Befire we start our Party. I would like to call our birthday Celebrant Mr. Kegun Maximo Caciano to say he's gratitude" dagdag ng baklang host. Tumayo si Kegun. Inabot naman ng bakla ang Mic sa kanya. "Good Evening everyone. I am grateful to see all of you here tonight, my friends and family, also I would like to introduce my son Liam Zareb Lopez Caciano" Tawag ni Kegun kay Liam. Si liam naman ay kumakain ng cake at madungis pero tumayo pa din sya at ngumiti sa kanila. Nagtawanan ang mga tao sa loob ng makita ang hitsura ni Liam. Umupo na sya at pinunasan ko ang mukha "and to my ahmm.. fiance Jesse Ysabelle Lopez" pakilala nya sakin. Nagulat ako pero ngumiti pa din ako sa harap nila. "I hope you enjoy the night" dagdag nya. Bumalik na sa upuan namin si Kegun. Pinandilatan at tinaasan ko sya ng kilay. Ngumiti lang ang demonyo. Nagsimula na ang party malakas ang tugtog. Pinunasan ko ang mukha ni Liam at niyaya sya. Pumunta kami sa table nila Sam. "Baby Boy, ang dungis mo" matawa tawang sabi ni Ashley. "Hindi ko na napunasan, nakakahiya" sabi ko. Sinko naman ako ni Gladys. Tumingin ako sa kanya. "Fiance ate? kelan pa?" takang tanong ni Gladys. "Nagpapaniwala ka dun?" tanong ko pabalik. "Ikaw Jesse!! Kelan pa kayo engage ni Kegun?" tanong ni Krystal "Hindi ko nga alam na engage kami, buti sya alam nya diba?" inis na sagot ko. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Ang mga bata nman sa tabi namin ay kumakain. Nakita ko namang nag uusap ang mga asawa nila kasama ang lalaking demonyo. "Are we late?" Napatingin kaming lahat sa tinig ng babaeng nagmumula sa Entrance. KEGUN'S POV Ang sakit sa puso ko na iniiwasan ako ni Jesse sa bahay. Palagay naman ang loob ko ng bumalik sila at tumira kasama ko. Atleast kahit papaano makikita ko ang anak ko at si Jesse araw araw. Magkasama silang tatlo sa kwarto at ako naman ang mag isa lang. Kung minsan naman ay si Liam ang tumatabi sakin. Sa dalawang linggong pagtira nya dito napapansin ko ang pag iwas sakin ni Jesse. Hindi ko sya masisisi. Galit sya sakin, at alam kong hindi nya ako mapapatawad agad. Sa tuwing magkakasama naman kami nila Zach ay kinukwento nila sakin ang sinasabi ng mga asawa nila. Alam nilang apat ang nangyari sa amin ni Jesse. Alam din nila ngayon kung ano ang nararamdaman ko kay Jesse. Ang mga asawa naman nila ay alam din ang pangyayari pero pinasabi ko sa kanilang mga asawa na sikreto lang namin at sana ay wala ng makaalam bukod samin. Today is my birthday. I bought dress and suits for them to wear later. Liam and I have the same suit color and everything. Pinili ko din ang dress na kakulay ng suot namin ni Liam para kay Jesse. Balak kong ipakilala sila mamayang gabi. Medyo late pa sila ng dating ngayon. pero kasalanan ko din naman dahil hindi ko sila naalala ang akala ko ay alam na nila. Nang makita ko si Jesse kanina suot ang damit na pinili ko mas lalo kong minamahal ang kagandahan nya. Alam ko din na mabait ang Ina ng anak ko, dahil sa pagkukuwento ng nga asawa ng mga ugok. Inaasikaso nya din ako sa bahay. nakikita ko din silang naglilinis ng bahay ni Leigh. Wala akong katulong dahil minsan lang naman ako mamalagi sa bahay, pero ngayon araw araw na akong may dahilan para umuwi. "Anong Fiance boss?" tanong ni Conrad. Sinabi ko sa kanilang lahat na isekreto muna ang lagiging Mafia boss ko, lalo na kay Jesse. "I don't know on how I can introduce her f**k" inis na sabi ko. "Pero nagawa mo boss yun nga lang nakita namin kung paano ka pandilatan ni Jesse hahaha" tawang sabi Rex "Oo nga boss, tapos yung mukha pa ni Liam kanina hahahaha" Tawang sabi naman ni Blaze. Sinamaan ko sya ng tingin "Joke lang, ang cute naman kasi ni Liam kanina, Matching suit pa kayo, edi mas kitang kita ang pagkakahawig nyo" dagdag nya "Oo nga boss, little Kegun Maximo and dating ni Liam" "I know, I choose that outfit for them" taas noong sabi ko. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano, tungkol kay Jesse at Liam. "Are we late?" Napatingin ako sa entrance ng venue. Si Mom and Dad. "Mom, Dad" Lumapit ako sa kanila. "Happy Birthday son" sabi ni Mom at hinalikan ako, Si Dad din. "Hows the party?" tanong ni Dad "It's fun, by the way May ipapakilala ako sa inyo" sabi ko. "who is it anak?" tanong ni Mom. "Liam" tawag ko sa anak ko, tumakbo ito papunta sakin. Sumunod naman si Jesse. "Mom, Da-" "Let's talk inside Son" ---- Author's note What do you think will hapoen next guys? Comment and follow for updates miss_ravs
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD