"Isa pa... buntis si Mama" "What? nabuntis pa si Tita? Pwede pa pala yon?" "Anong tingin mo kay Mama!" "W-wala naman!" "Alam mo kuya kung ano anong iniisip mo" "Hindi ah! Ikaw dyan ang nag iisip ng hindi maganda!" "Hindi kaya! They're my parent's kuya ano!" "Basta hahanapin ko ang lalaking tinutukoy mo! San bang prisinto yon?" sinabi ko kung saan ang prisinto, nagkwentuhan pa kami saglit ni Kuya Lance maya maya umalis na din sya at sa veranda ko na naman dumaan. Pumasok ako sa loob. "Sino ang kausap mo!" Nagulat ako sa nagsalita at hindi nakaharap agad. Si Mama, kanina pa kaya sya. Huminga muna ako bago hinarap si Mama. "W-wala po" "Maglilihim ka na naman ba sakin Ladriana!?" Medyo may inis ang boses na sabi ni Mama. "Si kuya Lance po iyon" "Bakit sya doon dumaan? May pintuan

