Chapter 92: Panibagong Istorya! (R-18) – 4 Ngunit kung sasali si Dave sa Dark Rose Society, mapo-protektahan ito! Tama! "Hoy. Ba't bigla kang natahimik." Marahang tinapik ni Dave ang balikat niya. "Wala, nag-iisip lang... Alam ko na, kailangan mong makasali sa Dark Rose Society." "Ha?" "Mapoprotektahan ka ng club na iyon, ang alam ko iyong napatay mo miyembro ng ibang clubs. At ipaghihiganti nila ito. Mas mainam kung sasali ka sa DRF." "Sigurado ka?" "Oo. Maiwan muna kita, maghahanda pa ako sa klase." Giit niya at pumasok sa CR. NANG matapos siyang maligo ay napakunot ang noo niya dahil paglabas niya ay wala na si Dave. Gago talaga iyon! Hindi man lang nagpapaalam. Napabuntong hininga siya at nagmamadaling nagbihis. Kailangan niyang i-prepare ang sarili dahil mapapalaban na

