Chapter 97: Panibagong Istorya! (R-18) – 9 "Umupo ka muna rito para mai-check natin ang blood pressure mo." Wika nong may katandaang nurse at umupo ako sa upuan na kaharap ng table nito. Umupo naman si Cedrix sa harap kong upuan. "Namamaga na ito, ha. Anong nangyari rito?" "Pinalo po." Sagot ko. Mabilis itong tumayo at pumasok sa isang pinto ng clinic. Nang bumalik ang nurse ay may dala na itong ice bag. Kinuha ko ito at inilagay sa namamaga kong braso. Ipinagpatuloy nito ang pag-check ng sa dugo ko, "okey lang naman ang bp mo. Sumama ka sa akin, kailangang ma X-ray iyan. Tumayo ako at sumunod rito sa papasok sa isang room. "Humiga ka rito." Sinunod ko lang ang nurse at may inasikaso ito. Ilang sandali pa'y mayroong itinapat ito na kung ano sa aking namamagang braso at bigla nalan

