Chapter 87: Huling Istorya ni Thouyer HABANG kumakain ay mayroon muling istorya na sinabi ang lalaki at excited naman roon si Maureen na makinig rito. Dinahan-dahan niya ang pagkain at tiningnan ang lalaki! Lumaki si Conal na malapit sa kanyang kinikilalang pamilya. Sinanay siya upang madiskubre ang kanyang kapangyarihan ngunit walang nangyari. Tanggap niya sa sarili na isa lang siyang pagkaraniwang bampira at kailanma’y wala siyang dugong maharlika na kagaya ng kanyang kapatid. Lingid sa kanyang kaalaman. Ang akala niya ay pinasok siya sa University ng mga magulang upang mag-aral ay may malaman ngunit nang magtagal ay may nararamdaman na siyang kahina-hinala. Tulad nalang ng isang taong lobo na sobrang napaka-teritorial at balak pa siyang patayin. Mabuti nalang at nakahingi siya ng tu

