Chapter 89: Panibagong Istorya! (R-18) MALAKI ang ipinagpapasalamat ni Maureen nang hindi sumakit ang kanyang tiyan sa kakain ng sea foods. Talagang kinain niya ng maayos ang mga ito at nginuya ng maayos. “Magsi-cr na muna ako at pagbalik ko ay puntahan na natin ang huling restaurant,” ani Thouyer at tumayo ito. “Sige, mag-iingat ka,” ngumiti siya sa lalaki. “I will,” iyon lang at umalis na ito. Naiwan si Maureen sa kanilang mesa. Walang gaanong tao sa restaurant kasi hindi pa naman oras talaga ng kainan. Baka anumang sandali ay may mga pupunta ritong mga costumer. Habang hinihintay ang lalaki ay nagulat siya nang may biglang sumulpot na maliit na nilalang sa kanyang harapan. Muntikan na siyang mapasigaw ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi ito ang duwindeng si Ugat na naki

