"Ireta, dito ka lang, kami na ni Lyrica ang bahala. Buntis ka, baka kung ano pa ang mangyari sa triplets," ani Proserpina, sumulyap pa ito sa maliit na umbok ng tiyan niya. "Magtago ka lang dito. Kung umabot man sa punto na may kalabang makapasok sa loob ng silid na ito, ay tinitiyak kong gagawin namin ang lahat para maprotektahan ka," dugtong nito, matatag ang boses. Tumikwas ang mga kilay ni Ireta. Hindi niya masabi kung matatawa siya o maiinis. "Hide? Me? No f*cking way," tanggi niya. Tinungo niya ang drawer kung saan maayos na nakalagay ang mga kurbata at itim na panyo ni Lukas. Sa pinakadulo ng drawer ay may pinindot siya at nagbukas ang isang maliit na lagayang pakahon ang hugis. Kinapa niya ang loob at napangiti siya nang mahawakan ang dalawa niyang punyal. "God, I missed using th

